Nang marinig niyang parang may humihinga sa loob niyon.
Natitigilan napaatras si Chat.
Sino ang humihinga sa loob ng closet?
Gusto niyang isiping nananaginip lang siya pero gising siya. Hindi kaya nagkamali lang siya ng pandinig?Marahan siyang lumapit sa closet. Pigil ang kanyang paghinga nang muli niyang idinikit ang tenga roon.
Namutla siya at agad na palayo sa closet.
Hindi siya maaring nagkamali. May narinig talaga siyang humihinga sa loob ng closet.Taranta siyang bamalik sa kama at
Naupo. Napatingin siya sa gawi ng closet dahil tila lumalakas ang paghinga mula sa loob niyon.
Dinig niya na iyon maski nasa kama siya at hindi na nakadikit ang tenga niya roon.Hindi siya maaring magkamali. lalaki ang naririnig niyang humihinga sa loob ng closet, pero sino iyon? Multo ba? Maligno? O, isang impakto?
May kilabot siyang nararamdam.
YOU ARE READING
EVIL'S PLACE
HorrorArlyn A. Baltazar EVIl'S PLACE MAGMULA ng bata pa siya ay ginugulo na si. CHAT ng misteryosong nilalang na nanahan sa kanila bahay.Marami Ang nagpapayo sa kanila na lisanin na ang bahay na iyon na ang likuran ay ang abandonadong sementer...