"Totoo pong mahal ni ma'am Maureen ang alaga ko, sir. Kaya lang dumating sa punto na kailangan niya nang mamili kung anak niya o ang pagkakaroon ng isang pamilya. Pangarap na kasi noon pa ni ma'am Maureen na ikasal at magkaroon ng matatawag na asawa na magiging katuwang niya sa buhay at sempre mga anak.
Iyon isang totoong pamilya, paliwanag ni Andeng sa kanya."May pamilya na siya at iyon ay si Jopet. kung ako ang nasa katayuan niya hindi ko ipagpapalit sa kahit na kaninong lalaki o sa kahit na ilang kasal ang anak ko, wika naman ni Duane.
"Siguro nga po hindi talaga mahal ni ma'am Maureen ang bata at malas si Jopet na siya ang naging ina nito. Pero swerte naman siya sa Papa dahil hindi nyo pala siya ipamimigay, hindi gaya nge Mama niya.
Natotop ni Daune ang Sariling noo. Nagsisimula nang sumakit ang ulo niya dahil sa mga nangyayari.
Anak niya nga ba talaga si Jopet? Totoo bang may anak siya?
O, baka naman nanaginip lang siya ngayon?...
YOU ARE READING
EVIL'S PLACE
HorrorArlyn A. Baltazar EVIl'S PLACE MAGMULA ng bata pa siya ay ginugulo na si. CHAT ng misteryosong nilalang na nanahan sa kanila bahay.Marami Ang nagpapayo sa kanila na lisanin na ang bahay na iyon na ang likuran ay ang abandonadong sementer...