Mabilis na lumabas ng silid si Chat.
Kumatok siya sa silid ng tiya Nova niya at doon siya matutulog."HUWAG mo akong kalilimotan kapag nasa Maynila ka na, ha, Chat?
Iyong bilin ko sa 'yo, huwag mo ring kalilimotan. Padalhan mo ako ng. mga imported chocolate saka corned beef."
Bilin ng tiya Nova niya habang tinutungan siya nitong mag-impake ng mga damit niya."Tiya Nova, hindi ho ako sa abroad pupunta, sa manila lang ho," paalala niya rito.
"E, hindi ba't marami namang tindang imported chocolate do'n at imported corned beef? Dito sa atin ay may isang tindahan na nagtitinda ng mga iyon dito sa bayan pero nakakatakot bumili dahil halos expired na. E, kung mamatay ako?
E 'di hindi na ako makapag-asawa?Napalingon bigla si Chat sa tiyahin "Sa edad ninyong iyan ay may balak pa pala kayong mag-asawa, tiyang? Hindi ba't forty-nine years old na kayo?"
"Ano ang ibig mong sabihin? Tulad ng mga paninda ay expired na rin ako, ganoon?"
YOU ARE READING
EVIL'S PLACE
HorrorArlyn A. Baltazar EVIl'S PLACE MAGMULA ng bata pa siya ay ginugulo na si. CHAT ng misteryosong nilalang na nanahan sa kanila bahay.Marami Ang nagpapayo sa kanila na lisanin na ang bahay na iyon na ang likuran ay ang abandonadong sementer...