Arlyn A. part (11)

3 0 0
                                    

Paghihigpit na ginagawa sa kanya ng mga tiyahin at tiyuhin. Lalo na ang tiya Mely niya na siyang pinakamatanda sa lahat. Ito ang pinaka-strikta.
 
    Peru kahit sobrang higpit sa kanya ng mga ito ay nagpapasalamat siya dahil inalagaan siya. Kahit na nga mahirap lang sila ay nagawa pa rin siyang pagtapusin after high school maski vacation course lang. Hindi siya inapi ng mga ito at hindi inalila. Itinuring siyang parang tunay na anak ng mga ito. At habangbuhay niyang tatanawin ang utang na loob na iyon sa mga kapatid ng Mama niya.

    Kaya lang ay hindi naman pupuwedeng habangbuhay na lang siyang nasa poder ng mga ito at parang batang sunod lang ng sunod sa bawat idikta sa kanya ng mga tiyahin at tiyuhin.
Ayaw naman niyang tumanda ring dalaga balang-arw. May Sarili siyang buhay at siguro panahon na para hanapin niya ang kanyang kapalaran.

           "ANONG luluwas ka ng Maynila

sa makalawa?'' gulat na tanong ng

tiya Mely niya kay Chat.

             EVIL'S   PLACEWhere stories live. Discover now