Arlyn A. Baltazar
EVIl'S PLACE
MAGMULA ng bata pa siya ay ginugulo na si. CHAT ng misteryosong nilalang na nanahan sa kanila bahay.Marami Ang nagpapayo sa kanila na lisanin na ang bahay na iyon na ang likuran ay ang abandonadong sementer...
Napangiti si Chat sa narinig. Yes! Sa wakas ay makakawala na siya sa sitwasyon kung Saan de- numero ang bawat kilos niya. she's free as a bird. Pero hindi niya rin dapat malimutan na ang isa pang dahilan kaya siya luluwas ng Maynila ay upang matulungan ang mga tiyahin niya at tiyuhin.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CHAPTER TWO
HABANG nakahiga si Chat sa kama ay panay ang hikab niya. Antok na antok na siya. Nang ipikit niya ang mga mata ay saka siya nakarinig ng malakas na kalabog mula sa loob ng closet niya.
Napakunot ang noo niya. Bumangon siya at tinignan ang closet niya. Wala namang nagbukas no'n dahil mag-isa lang siya sa kuwarto niya.
Idinikit niya ang tenga sa pinto ng closet. Iniisip niyang may daga na nakapasok doon o kaya ay pusa