"Napagpasiyahan ho namin ni Lorna
na sumama kay Mrs. Pineda. Siya ho Ang magpapasok sa amin sa pabrika.''
Sabi ni Chat sa tiyahin kumakain na sila no'n ng hapunan."Nagpasiya ka na nang hindi muna nagsasabi sa amin tiyo Delfin mo at tiya Nova?''
" Tiya Mely, mag-treinta na ho ako. Hindi ho ba ako puwedeng mag pagsiyang mag-isa para sa Sarili ko?"
"Oo nga naman, ate Mely. Nasa tamang edad na si Chat para magpasiya. Hindi na siya bata tulad ng dati. Ang totoo nga niyan ay sobra-sobra na siya sa edad,'' sabi naman ni aling Nova.
"Tumigil ka nga riyan, Nova,'' pasinghal na saway ni aling Mely sa kababatang kapatid bago ito muling bumaling kay Chat, "Ang layo ng Maynila. At sino ang tutuloyan n'yo ro'n ni Lorna?''
"May boarding house raw ho malapit sa pabrika, ayon kay Mrs. Pineda."
"Iyang Mrs. Pineda na sinasabi mo, sigurado ka bang mapagkakatiwalaan 'yan?''
"Oho naman.''
YOU ARE READING
EVIL'S PLACE
HorrorArlyn A. Baltazar EVIl'S PLACE MAGMULA ng bata pa siya ay ginugulo na si. CHAT ng misteryosong nilalang na nanahan sa kanila bahay.Marami Ang nagpapayo sa kanila na lisanin na ang bahay na iyon na ang likuran ay ang abandonadong sementer...