Second Shot : Ang Pogi ng Ka-Blind Date Ko

3.7K 48 2
                                    

AUDREY 👵

Nakasakay sa taxi si Audrey papuntang Manila Hotel. Galing siya sa Far Eastern University kung saan siya nagtatrabaho bilang isang professor sa Information Technology department. Hindi na sana siya tutuloy sa pina-reserve na dinner dahil magmumukha lang naman siyang tanga. Wala naman siyang kakatagpuin doon. Pero may nag-uudyok sa kanyang balikan ang lugar kung saan sila nagkakilala ni Homer.

Ika-limang taong anibersaryo sana nila ni Homer ngayon bilang magkasintahan. Pero hindi na nila iyon maipagdiriwang. Mula nang mangyari ang insidenteng nagpabago ng lahat sa relasyon nila sa birthday party ni Celine sa Davao ay naputol na ang ugnayan nilang dalawa. Limang buwan na silang hindi nag-uusap. Ang balita niya ay nasa Singapore na daw ito at doon na nagtatrabaho.

Hanggang ngayon ay apektado pa rin siya sa hindi magandang kinahinatnan ng kanilang relasyon. Tuwing maalala niya ang masasayang moments nila ni Homer di niya mapigilang maiyak. Katulad na lang ngayon.

Bago pa man magsunod-sunod ang pagtulo ng luha niya ay kinuha na agad niya ang panyo sa suot na blazer at pinunasan iyon. Baka magtaka pa ang taxi driver sa pagda-drama niya.

Papalabas na sila ng C.M. Recto Avenue nang mapatingin siya sa suot na singsing sa kamay. Kahit nagkahiwalay na sila ni Homer palagi pa rin niyang isinusuot ang kauna-unahang regalo nito sa kanya isang araw matapos niya itong sagutin. Di maiwasang balikan niya ang nakaraan...

Sa Café Rafflesia sila magdi-dinner ni Tita Ambeth bilang treat nito sa bagong promotion. Isa na itong vice president sa programming department sa isang TV station na pinapasukan.

Kaga-graduate lang niya sa kursong BS Computer Science sa Centro Escolar University at naghahanap pa ng trabaho. Katunayan, galing siya sa kauna-unahang job interview sa isang tele-communication company. Nag-apply siya doon bilang business analyst. Dumiretso na siya sa Manila Hotel galing pa ng Makati.

Napaka-elegante ng lugar na iyon. Sigurado siyang hindi basta-basta ang mga guest na naroon. Sa ayos at pananamit pa lang ng mga ito ay masasabi mong may mga kaya sa lipunan. May ilang foreigners pa nga siyang namataan sa ibang mesa. Karamihan sa mesa ay okupado na. Mabuti na lang at may reservation sila. First time niyang nakapasok sa Manila Hotel kaya ingat na ingat siya sa kanyang mga kilos. Baka mapahiya pa siya sa mga sosyal na nakapaligid sa kanya.

Base sa menu na binasa nang ibigay sa kanya ng waiter pagka-upo sa pinareserbang mesa ay maraming klase ng pagkain ang puwedeng i-order dito. May French cuisine, Asian dishes at siyempre ang Filipino foods. Alin kaya sa mga iyon ang ipapa-order niya sa Tita Ambeth niya. Nag-order muna siya ng orange juice habang naghihintay.

Mistulang hardin ang ambience ng restaurant. May mga halamang naka-display sa bawat kanto at may mga larawan ng iba't-ibang bulaklak. Kanina, habang naghihintay siyang maka-upo sa waiting area ay napatingin siya sa malaking larawan ng isang bulaklak na nakasabit sa pader. Ayon sa larawan ang Rafflesia ang largest flower in the world na matatagpuan sa Malaysia at Indonesia. Naisip niyang nabighani siguro ang may-ari ng restaurant na ito kaya Café Rafflesia ang ipinangalan sa establishment.

"Excuse me, puwede bang maki-share sa table mo," boses ng isang lalaki ang pumukaw ng atensyon niya. Nakatingin kasi siya sa paligid at pinapanood ang iba't-ibang lahi na naroon. Tiningnan niya ito.

"I'm Homer Guanzon. Puno na kasi iyong ibang mesa at hindi ko makita iyong mga relatives ko. Puwede bang maki-upo muna ako dito? Pagod na pagod na ako sa kakahanap sa kanila," nakangiting pagpapakilala nito.

Naliligaw pa pala ang isang ito. Mukha namang mabait. Since cute ka naman kahit pawisan na at wala pa naman si Tita pauupuin kita. Hindi naman siguro ito gagawa ng kalokohan dahil public place ito.

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon