Ninth Shot : Nasaktan Ka, Nasaktan Din Ako Quits Lang

2.4K 54 3
                                    

AUDREY

"Here's your fettucini alfredo with garlic bread," ibinaba ng waiter ang in-order niyang pagkain. "Anything else Ma'am?"

Napansin niyang lampas kalahati na ang laman ng baso ng mango juice. "Puwedeng dalhan mo pa ako ng isang baso nito at saka service water."

"Sure Ma'am. Enjoy your meal," anang waiter bago umalis.

Umuusok pa ang pasta. Nanunuot sa ilong niya ang katakam-takam na amoy nito. Tinikman niya kaagad iyon. Hindi nga siya nagkamali, superb taste nga ito. Habang ini-enjoy ang pagkain, napansin niyang nag-blink ang screen ng kanyang cellphone sa mesa. Naka-silent mode iyon kaya nagba-vibrate lang. Picture ni Celine ang bumungad sa kanya.

"What's up?" aniya nang sagutin ang tawag ng kaibigan.

"Anong what's up ka d'yan? Kailan ka pupunta dito? Next week na ang kasal ko. I need my maid of honor," paalala nito sa nalalapit na kasal sa Davao.

"Huwag kang mag-alala, nakapag-paalam na ako kay Dean Torres at pinayagan naman niya ako. I'll be there two days before your wedding day."

"Two days before pa? Hindi ba puwedeng three days before? I want you to be there on my shower party."

"I'm not sure about that Celine. Finals week na kasi. Dapat sana sem break ka nagpakasal para and'yan ako sa lahat ng events sa buhay mo."

"Basta, do your best. I will wait."

"Hay naku Celine! Umiral na naman ang pagka-childish mo. Grow up. Mag-aasawa ka na remember? I really can't promise you anything."

"Gusto kong isipin na magagawan mo iyan ng paraan. Siyanga pala, hindi ba five year anniversary ninyo ni Homer ngayon? Kamusta ka naman? I know you're sad. Nasaan ka ba ngayon?"

"Dito lang ako sa bahay," pagsisinungaling niya. Ayaw niyang malaman ni Celine ang ginagawa niya ngayong kagagahan.

"Wala ka pa bang balita kay Homer since my engagement party? It's been so long na. Dapat man lang makapag-usap kayo. Kung talagang wala na kayong pag-asa, sana man lang may formal closure."

"Nalimutan mo na bang nasa Singapore na nga si Homer? Saka hindi naman ako nakikibalita sa mommy niya. Nahihiya kasi ako sa kanya."

"Wala ka namang kasalanan. Basta na lang siya nag-react ng ganoon. Wala naman kayong relasyon ni Felix. Dapat man lang pinagpaliwanag ka niya ng maayos hindi iyong pinaniwalaan niya ang gusto niyang paniwalaan."

"Tapos na iyon Celine. Nangyari na at wala na akong magagawa. May kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Kung ayaw na niyang makipag-usap o gumawa pa ng closure tanggap ko na iyon. Kasalanan ko naman eh. Kung hindi ba ako nag-inarte na magtampo sa kanya at magpunta d'yan sa Davao, sana ay hindi ko nakilala si Felix. Sana wala na lang nangyaring gulo."

"Mali. Kung hindi ka ba niya ipinagpalit sa trabaho niya, hindi mo maiisipang pagtaguan siya at magpunta dito."

"And'yan na iyan. Kahit ano pang logical explanation ang gawin mo hindi ko na maibabalik iyon. What I have to do is to look forward and be hopeful. Tama na nga iyan. Ang dapat na pagtuunan natin ng pansin ay ang wedding mo."

"Ang wedding ko, on the way na. Ang love story mo, malabo pa. Paano na iyan Audrey? I really want you to be happy."

"I know friend. Pero ganoon talaga. O sige na. Bye-bye na. Baka maiyak pa ako. I'll call you again. Sunduin mo ako sa airport ha?"

"Siyempre naman. O sige kahit alam kong iniiwasan mo ang topic na iyan, I just want you to know I'm here. Makipag-date ka na kasi sa iba. Why not Felix? He's good naman. "

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon