First Shot : Break Kung Break Agad

6.9K 68 0
                                    

AUDREY

"I'm miserable Audrey. Umuwi na tayo. Ayusin na natin ito, please," pakiusap ni Homer sa kanya. Magkalayo silang naka-upo sa mga wassily chairs sa hardin malapit sa may swimming pool ng Hacienda Eliza.

"Paano mo nalaman kung nasaan ako?" Wala siyang maapuhap na sabihin.

"I hired an investigator."

Ipinahanap pala siya nito nang umalis ng Maynila na walang paalam sa nobyo dala ng sobrang sama ng loob. Mabagal pa nga iyong nakuha nito dahil tatlong linggo pa ang nakalipas bago siya nahanap nito. Mabuti na lang at hindi siya ipinahamak ng kaibigan at room mate na si Joanne na siyang tanging nakaka-alam kung saan siya nagtago.

Wala namang ibang maghahanap sa kanya kundi ang nobyo dahil ulila na si Audrey. Inatake sa puso ang tatay niya.

Kagaga-graduate pa lang niya noon sa high school nang mangyari iyon. Sinamampalad naman na ma-hit and run ang nanay niya tatlong taon matapos mamatay ang tatay niya.

Ang Tita Ambeth niya na nakatatandang kapatid ng kanyang ina ang naging guardian at pangalawang ina na rin. Ang akala niya ay hindi na mag-aasawa ang tita niya pero nakahabol pa ito sa huling biyahe. Italyano ang napangasawa nito at nag-migrate na sa Italy noong isang taon. Alam ng tiyahin niyang kina Celine siya nagbakasyon sa hacienda ng mga ito sa Davao at tinimbrehan niya itong huwag sabihin kay Homer kung saan siya nag-hibernate sakali mang
magka-usap ang mga ito.

"Ano bang problema mo Audrey? Bakit bigla ka na lang umalis? Inaamin ko marami akong pagkukulang sa iyo. Pero para sa atin naman itong ginagawa ko. Kaya akala ko ay naiintindihan mo ang sitwasyon ko."

"Naiintindihan naman kita Homer. Pinipilit pa kitang intindihin habang tumatagal. Ayaw ko sanang lagyan ng boundaries ang lahat, pero habang tumatagal nasasakal ako sa pambabalewala mo sa akin. Ikaw kaya ang lumagay sa sitwasyon ko para maramdaman mo rin ang ikinasasama ng loob ko."

"Kapag nagtatrabaho ka hindi ka na maawat. Hindi na ako nag-eexist lalo na pag tinatawagan ka ng boss mo."

Naisatinig din niya ang matagal ng kinikimkim.

"Audrey, iba iyon. Trabaho iyon. I can't do anything about it. My time is their time. They are paying me for that services." He seemed frustrated. "Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko ng nasa Tokyo ako dahil iniiwasan mo pala talaga ako. Siguro nga nagpalit ka pa ng sim card kaya laging out of reach ka."

Mapakla ang ngiting sumilay sa labi niya. Nagatungan pa lalo ang sumasadsad ng pride niya.

"Well, it's good na naramdaman mo iyon," Tumaas ang boses niya dala ng inis na rin. "It serve it's purpose."

"I am really trying my best to reach you. Pero paano naman kita maaabot kung tinataguan mo nga ako? Did you even tried to talk to my mom?"

Pinigilan niya ang sariling makipag-ugnay kay Mrs. Celia Guanzon para nga hindi siya matunton ni Homer.

"I'm sorry for acting like that. Alam kong mali ako. Pero hindi mo ako masisisi dahil ilang beses na akong nagmukhang tanga sa kakahintay sa mga date natin na hindi ka naman dumating. You always stood me up. That hurted me so much. Hindi naman ako nagkulang sa pagpapasensiya sa iyo pero may hangganan din ang lahat Homer," naalala niya ang maraming beses na sumama ang loob niya dahil sa hindi pagsipot nito. Lampas na sa mga daliri niya ang mga pagpapasensiya niya at nang mapuno na siya bigla na lang siyang sumabog.

Hindi na yata niya matatagalan ang pakikipag-diskusyon kay Homer. Napapagod na siyang kontrahin ang mga sagot nito sa arguments niya. Nanghihinang sumandal na lang siya at nanahimik.

Ginagap nito ang kamay niyang nasa arm chair at dinala sa labi nito. "I missed you so much. Please don't make things hard for me. Mahal pa rin kita Audrey," garalgal ang boses nito.

Awang-awa naman siya sa pagpapakumbaba ni Homer. Nararamdaman niya ang pagsisisi nito. Gusto niya sana itong yakapin pero sariwa pa ang mga sugat sa puso niya. Kung sakaling makikipag-ayos na siya ngayon at maulit na naman ang mga nangyari noon ay baka magsisi lang siya sakali mang hindi rin maganda ang kahihinatnan.

"Kung gusto mo magre-resign ako. Maghahanap ako ng ibang trabaho na hindi kasing demanding ng trabaho ko ngayon. I will do that basta ayusin na natin ito. Ha?" Hopeful ang mga mata nito.

Nanatiling nakatitig lang siya sa binata. "Ayaw ko namang makasagabal sa career mo. I know how you love your job and your determination to make it on the top -"

"But you're more important to me," puno ng emosyong sabi nito.

Umiling-iling siya. Nahihirapan na siyang magdesisyon. "I don't know what to say. I was hurt Homer." Nagbaba siya ng tingin sabay tulo ng luha.

"Can't you forgive me?"

"Of course I can. But please give me time. This is hard for me too. Ayaw ko namang pagsisihin ang magiging desisyon ko ngayon pagdating ng araw sakali mang mag-fail tayo this time... Bigyan muna natin ng time ang isa't-isa... Cool off muna tayo." Masakit na pahayag niya sa pagitan ng pag-iyak. "Gawin mo kung ano ang gusto mo sa buhay mo at susubukan kong gawin ang nais ko."

"Audrey, this is ridiculous! Hindi mo ba ito mapapalampas this time? Maayos naman ang relasyon natin. Until my work interfered. Bakit ba parang nahihirapan kang bigyan ako ng chance? Hindi mo na ba ako mahal Audrey?"

Pulang-pula ang mga mata ni Homer nang tingnan niya. Pinipigilan lang siguro nito ang umiyak sa harap niya.

"May... may iba na ba Audrey?" Hirap na tanong nuyo

"It's not like that. I still love you. Believe me." Totoong sabi niya. "But there are things I need to sort out. Bigyan muna natin ng space ang isa't-isa. Mag-isip tayo pareho at i-analyze natin kung sigurado na ba tayong dalawa sa relasyon natin. Baka in the end, pasalamatan mo pa ako sa ginawa kong ito. I'm sure it will help us both to mature."

Marahang binitiwan nito ang kamay niya. "Hindi pa ba sapat sa iyo ang panahong nagkalayo tayo?"

"Just give me time." Hindi siya makatingin kay Homer.

Ilang sandaling katahimikan ang nagdaan sa pagitan nila bago siya nagpasyang magpa-alam na. "I'm tired Homer. I know you're tired too. Gusto ko ng magpahinga." Kabastusan mang paalisin niya ito pero hindi na niya makayanan ang bigat ng damdamin.

There's pain in his eyes when he looked at her. Napamaang siya nang bigla siya nitong halikan sa labi. At dahil nga

na-mental block, nagmistula siyang estatwa nang lumapat ang labi nito sa labi niya.

"I won't give up Audrey. Remember that," anito matapos pawalan ang labi niya. Lulugo-lugong humakbang palayo si

Homer. Naiwan siyang nakatulala sa kawalan.

PLS.. VOTE or COMMENT...

#022615
#HP01

============

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon