Seventh Shot : Okay Naman Dati

2.2K 48 1
                                    

AUDREY

Hindi rin niya sinagot ang text message ni Felix. Hanggang ngayon kasi ay umaasa pa rin itong matutugunan niya ang pag-ibig na inaalay nito sa kanya. Isang lalaki lang ang puwedeng magmay-ari ng kanyang puso. Hindi na nga yata iyon mapapalitan hanggang sa malagutan na siya ng hininga.

Ang ipinag-aalala niya ay ang persistence ni Felix. Pursigido talaga itong mapa-ibig siya lalo na nang malaman nito na wala na sila ni Homer. Mahigit dalawang linggo na itong palaging tumatawag sa kanya. Balak na nga niyang papalitan ang cellphone number para makaiwas.

(Flashback)

Halata ang pait sa ngiti ni Felix nang magpaalam siya na babalik na sa Maynila. "So... this is goodbye."

Pinuntahan niya ito sa Lacey Bar upang personal na magpaalam. Mula pa kahapon nang maganap ang komprontasyon sa birthday party ni Celine ay hindi na siya tinext nito. Hindi naman niya ito masisisi dahil masama ang loob sa kanya. Pero bukas na ang alis niya at mas makabubuti na magpaalam siya ng maayos sa itinuring na rin naman niyang kaibigan. Kung hindi nga niya siguro ito nakitang kausap ng isang customer at naabutan niyang nasa loob ng opisina, malamang ay hindi rin siya haharapin nito.

"I guess so. Nagpapasalamat ako sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa akin. Nanghihinayang ako dahil umabot pa sa ganito ang lahat. Nahihiya ako sa iyo." Inabot nito ang kamay niyang magkadaop sa ibabaw ng mesa. "Sabi ko naman sa iyo, wala na sa akin iyon. Inaamin ko masama ang loob ko kaya hindi ko sinasagot ang mga tawag mo. Pero hindi naman ako galit sa iyo. Nanghihinayang ako dahil hindi ko maipapadama ang pagmamahal ko, because you don't let me."

"Puwede pa naman tayong magmahalan kahit magkaibigan lang hindi ba?"

Tumango-tango ito pero seryoso pa rin ang mukha. "Don't worry, things will get better. Hayaan mo muna akong ganito ngayon. Good luck sa pagbabalik mo. Keep on touch."

"I will."

(Flashback end)

Iyon ang mga salita ni Felix nang hindi pa umabot dito ang balita na nagkahiwalay na nga sila ni Homer. Lalo pa at isa ito sa mga major factors na lalong nagpalagay sa alanganin ng relasyon nila.

"Audrey, mag-oorder ka na ba?" narinig niyang may nagsalita sa tabi niya.

"Ha?" kinilala niya ito. Si Kim. "Ikaw pala."

"Ang lalim yata ng iniisip mo Audrey. Baka nagugutom ka na. Gusto mo na bang mag-order?

"Oo nga pala." Binuksan niya ang menu at pumili ng pagkain. "Bigyan mo nga ako ng fettucini alfredo at saka garlic bread."

Agad na isinulat ni Kim ang order niya. "Anything else?"

"Iyon na lang muna, for now. Paki-iwan na lang ng menu dito."

"Paki-hintay na lang ng pasta. Iwan muna kita. Maraming tao ngayon. Balikan kita later para makapag-kuwentuhan naman tayo."

Nginitian niya ito. "Sige, salamat." Umalis na si Kim.

Ini-scan niya ang menu. Filipino food section ang nabuksan niyang pahina. Chicken and pork adobo ang specialty ng Café Rafflesia sa local dishes.

Iyon din ang paboritong pagkain ni Homer.

(Flashback)

"Ang tagal naman niyan Audrey. Hanggang kailan mo ba ako paghihintayin d'yan sa adobo ko," reklamo ni Homer.

Nasa hapag-kainan na ito at naiinip na sa niluluto niya. Naisipan niyang ipagluto sa bahay niya ang nobyo. Unang beses niyang ginawa iyon. Mahusay naman siyang magluto sabi ng nanay niya noong nabubuhay pa ito. Ang mommy niya ang nagturo sa kanya pagdating sa kusina. Kahit confident naman siya sa lasa ng nilutong adobo nang tikman niya iyon, kinakabahan pa rin siyang mapahiya sa harap ni Homer. Gusto niya kasing maging perfect para dito.

"Sandali na lang. Manood ka muna kaya ng TV para hindi ka nangungulit d'yan. Natataranta tuloy ako sa iyo," sigaw niya mula sa kusina. Ini-off na niya ang gasul. Kumuha siya ng malinis na mangkok at nagsandok ng bagong lutong ulam.

"Ito pala ang hitsura ng future wife ko habang naghahanda siya ng masarap na ulam sa kanyang asawa," narinig niyang sabi ni Homer. Nilingon niya ito at nakita niyang nakasandig ito sa pintuan.

Ipinagpatuloy niya ang pagsasandok ng ulam. "Hindi mo na ba mahintay ang pinakasamarap na adobo sa buong mundo?" Ibinaba niya iyon sa bakanteng lugar sa may lababo at sinilip ang kanin sa rice cooker. Sinalubong ng usok ang mukha niya nang silipin niya iyon. Bigla niyang nabitawan ang takip ng rice cooker nang maramdaman niyang pumulupot ang braso ni Homer sa bewang niya. Isinandig pa nito ang ulo sa balikat niya.

"Ano ka ba? Muntik ng tamaan ng takip iyon adobo."

"Amoy adobo ka na. Pero ang bango mo pa rin. Parang ikaw na lang ang gusto kong ulamin," malambing na bulong nito.

"Magtigil ka nga d'yan." Ibinalik niya ang takip sa rice cooker. Nasa "keep" mode na ang status ng rice cooker. Ilang sandali na lang ay puwede na niya itong hanguin.

Iniharap siya ni Homer at siniil nito ng halik ang labi niya. Wala na siyang nagawa sa paglalambing nito. Ikinawit niya ang kanyang kamay sa leeg nito. Lumalalim ang halik nito at maging siya ay tangay na tangay na rin sa pananalakay nito. Buong puso niyang tinugon ang maiinit na halik nito. Lalo pang sumidhi iyon nang maglakbay sa dibdib niya ang mga kamay nito. Kapag ganitong nagso-solo sila ni Homer ay parang nawawala na siya sa katinuang hayaan ng may mangyari sa kanila. Mahal na mahal niya ito at kung sakali ngang umabot sa ganoon ay baka hindi na rin niya mapigilan ang sarili. But Homer was a gentleman at kailanman ay hindi ito nag-demand ng kung anuman sa kanya.

Naramdaman niyang itinaas nito ang suot niyang t-shirt habang abala pa rin ang labi nito sa paghalik sa kanya. Tinanggal nito ang kawit ng bra niya at mayamaya lang ay nagpapasasa na ang kamay nito sa dibdib niya. Lalong nag-iinit ang pakiramdam niya. Para bang bigla siyang nilagnat at umabot sa 39 degrees ang fever niya.

"Honey, mas masarap nga ito kaysa adobo," bulong nito sa kanya. Ibinaba na nito ang t-shirt niya at muling ikinawit ang bra niya. "Baka naman sabihin mo marunong lang akong mag-unlock."

Nagulat siya sa biglang pagtigil nito. Kung kailan pa naman nako-convince na niya ang sarili ay saka naman huminto ito. Inayos nito ang t-shirt niya at saka muling kinintalan ng halik sa labi.

"Ba't ganyan ang mukha mo? Nabitin ka ba?"

Nag-init ang mukha niya. Nag-blush yata siya. "Bakit naman?"

"Mukha ka kasing disappointed. Pero kung disappointed ka, matagal na akong bitin na bitin sa iyo. Kaya lang narinig kong bumukas ang pinto sa salas at may nagbukas ng TV. Palagay ko dumating na si Joanne."

May narinig nga siyang sounds na galing sa TV sa salas. Grabe! Sa sobrang pagkadarang niya ay hindi na niya napansin iyon. Mabuti na lang at naramdaman iyon ni Homer. Kung hindi ay baka naabutan pa sila ni Joanne sa kahiya-hiyang tagpo.

"Mabuti na lang at matalas ang pakiramdam mo. Bumalik ka na sa labas. Dalhin mo na ito," iniabot niya ang mangkok ng adobo.

Kinuha nito iyon. Kinindatan pa siya nito bago lumabas ng kusina. Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng malamig na tubig sa biglang pag-subside ng init. Pero hanggang sa ngayon ay hinihingal pa rin siya at nanlalambot pa ang tuhod niya.

Binuksan niya ang ref at kumuha ng pitsel ng tubig. Nagsalin siya sa baso at agad na tinungga iyon.

Konting-konti na lang at bibigay na siya.

Na-amuse tuloy siya kay Homer sa lakas ng pakiramdam nito. Ganon ba talaga ang mga lalaki? Mabilis ang instinct kapag malapit ng mahuli.

____________

*Vote pls

#HP07

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon