Sixth Shot : Isang Maulan na Gabi

2.3K 42 1
                                    

AUDREY

(Flashback Continuation)

Inabot ng malakas na ulan si Audrey nang magsimba sa Sta. Ana Church. Hinihintay niya si Mang Danilo para sunduin sa harap ng simbahan. May usapan silang babalikan siya nito matapos ang isang oras na makagpagsimba siya. Nagpaalam ito kanina dahil tumawag ang asawa nito at sinabing isinugod sa ospital ang anak. Sinabihan na nga niyang magta-taxi na lang siya pauwi para di na maabala pero nagpilit pa rin itong hintayin siya.

Kaya heto at naghihintay siya. Nananakit na nga ang daliri niya sa kaka-text at tawag sa cell phone nito pero wala siyang nakukuhang reply.

Mahigit isang oras na siyang naghihintay. Sa lakas pa ng ulan ay mahihirapan siyang makakuha ng taxi papuntang Hacienda Eliza. Patapos na ang 7:00-8:00 PM mass ay naroon pa rin siya sa harapan ng simbahan at nakikisilong.

Naglabasan na ang mga nagsimba ay wala pa rin si Mang Danilo. Bumalik siya sa loob at nagdesisyong doon na maghintay. Maghihintay pa siya ng fifteen minutes. Kapag wala pa rin ito ay kakapalan na niya ang mukhang tawagan si Eric. Wala si Celine sa mansion dahil kasama nito ang pamilya ng nobyo na nagdi-dinner sa isang restaurant sa bayan. Nakakahiya namang abalahin pa niya ito para magpasundo.

Isinawsaw niya ang kanang kamay sa lagayan ng holy water bago nag-sign of the cross. Nagkagulatan pa sila ni Felix nang makasalubong ito.

"Dito ka rin pala nagsisimba," parang nahihiyang bati nito. "Na-late ka yata. Tapos na iyong huling misa."
"Actually, kanina pa ako nagsimba. Iyong six to seven pm mass. Hinihintay ko lang iyong sundo ko."
"So, kanina ka pa pala."
"Hinihintay ko pa iyong driver nina Celine. Hindi pa nga dumarating."
"Medyo late na yata ang sundo mo."
"Parang ganoon na nga," wala sa loob na nasabi niya. Ayaw niyang bigyan ng hint si Felix na nangangailangan siya ng tulong. "Sige, doon muna ako sa loob maghihintay."
"Gusto mong ihatid na kita sa hacienda?" biglang offer nito.
"Huwag na. Darating din si Mang Danilo. Nangako naman siya. Baka magkasalisi pa kami."
"Okay," simpleng sagot nito.
Iniwan na niya si Felix. Pinili niyang maupo sa isang mahabang silya malapit sa may altar. Isa-isa ng isinasara ng mga tauhan ng simbahan ang mga pintuan at ilaw. Mangilan-ngilan na lang ang taong naiwan sa loob. Sinubukan niya uling tawagan si Mang Danilo. This time, sinagot na nito ang tawag niya.
"Mang Danilo, nasaan na ba kayo? Masusundo n'yo pa ba ako?" nag-aalalang tanong niya.
"Pasensiya na po Ma'am Audrey. Hindi ko maiwan si bunso. Nakakahiya man po pero-"
"Ok lang po. Huwag n'yo na akong intindihin. Nag-aalala lang po ako na baka magkasalisi tayo kaya ko kayo tinawagan kanina pa. Magta-taxi na lang po ako. Huwag po kayong mag-alala."
"Sige po Ma'am. Paumanhin po muli," naputol na ang linya.
Nanlulumo siyang napasandal. Narinig pa niya ang malakas na tikatik ng ulan. Wala na talagang choice kundi ang mag-taxi.

Papalabas na siya ng pintuan nang mamataan si Felix na naroon pa rin sa pinag-iwanan niya kanina. Pabalik-balik ito sa paglalakad.

"Dumating na ba ang sundo mo?" anito, nang makita siya.
Umiling siya. "Sisilipin ko sa labas baka dumating na."
"Sabi ko naman sa iyo, ihahatid ka na namin. Nand'yan pa si Mama sa loob. Nagno-novena pa siya."
Na-relieve siya sa tinuran nito. Ang akala kasi niya ay siya ang dahilan kung bakit hindi pa ito umalis ng simbahan. "Kaya pala nand'yan ka pa din."
"Bakit? Akala mo hinihintay kita? Joke. Baka mapikon. Matagal kasi magdasal si Mama. Tinatawagan lahat ng santo sa langit," pabirong sabi nito.
"Loko ka," napangiti siya.
"Palagay ko hindi na darating ang driver na hinihintay mo. Saka kung sakali mang dumating iyon, dapat pagalitan mo siya. Mahigit isang oras ka na niyang pinaghihintay."
"May valid reason naman si Mang Danilo kaya hindi na siya makakarating," mabilis na nasabi niya.
"Eh di hindi na nga siya makakarating. I insist, ihahatid ka na namin. You can trust me naman. I'm with my mom."
Napahinuhod na rin siya nito. What's pride over the hassles of getting a taxi in this rainy evening? It won't matter. Kasama naman nga nito ang mama nito.
"Hayan na pala si Mama!"
Napatingin siya sa direksyong itinuro ni Felix. May babaeng lumabas sa pintuan. Sa unang tingin pa lang sa ginang ay masasabi mo na kaagad na may sinabi sa buhay. Bagama't naglalakihan ang mga perlas sa tainga ay nadadala naman nito iyon ng may pagka-elegante. Simple lamang ang suot nitong puting bestida. Napatunayan niyang kay Mrs. Nepomuceno pala nakuha ni Felix ang karamihan sa features nito. Lalaking version ni Mrs. Nepomuceno si Felix.
Nakangiting lumapit ito sa kanila. "May kasama palang magandang dalaga itong anak ko. Kaya pala hindi nainip ngayon."
"Ma, si Ms. Audrey nga pala. Instructor ko siya sa computer school. Sa Hacienda Eliza siya tumutuloy. Hindi po kasi makakarating iyong driver ng mga Guanzon. Ihatid na po natin siya."
"Walang problema sa akin. Mahirap nang mag-taxi ngayon hija. Baka mapahamak ka pa. Maganda ka pa naman. Shall we go now, Audrey?"
"Thank you Ma'am. Pasensya na po sa abala. "
"It's alright," matipid na sagot nito.
"Ma, Audrey, kukunin ko lang ang kotse. Hintayin n'yo na lang ako dito sa tapat," umibis na si Felix. Nagtatakbo ito sa ulan papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan.
"Matagal ka na ba sa Hacienda Eliza? Kaibigan ni Felix ang magkapatid na Guanzon," wika ng ginang para basagin ang katahimikan sa pagitan nila.
"Mahigit two weeks na po. Nagbabakasyon lang po ako kina Celine. Babalik din po ako ng Maynila sa pasukan. Bale, nagpa-part time lang po ako sa computer school."
"Ang sipag mo naman. Ang sabi mo ay nagbabakasyon ka pero heto at nagtuturo ka pa rin."
"Madalas po kasing wala si Celine dahil sa trabaho niya sa bookstore. Naiinip naman po ako sa hacienda kaya nang magkaroon po ng opportunity na makapagturo, sinunggaban ko na."
"Hay naku! Magkakasundo kayo ni Felix. Napakahilig niyan sa computer. Kapag tapos na iyong mga gawain niya sa Lacey Bar kung anu-ano na ang pinagkaka-abalahan niya sa harap ng computer. Ang sabi ko nga sa kanya sana ay nag-major na lang siya noon sa computer kung iyon talaga ang gusto niya. Ang sagot niya sa akin mas importante daw ang business at napapag-aralan naman daw ang ibang bagay. Hindi ba ang weird ng anak ko?"
"Ganon po ba? Mahusay naman po siya sa klase. Kapag may gusto siyang matutunan ay kinukulit niya akong mabuti."
"Talagang ganoon ang anak ko. Super kulit pero lovable naman. Heto na pala siya." Naka-payong na ito nang bumaba ng kotse.
Inuna nitong sunduin ang mama nito. Pagkatapos ay siya naman. Sa likod naupo ang ginang. Sa unahan naman siya dinala nito.
Sinabi ni Mrs. Nepomuceno na unahin na itong ihatid dahil malapit lang naman sa simbahan ang mansion ng mga ito. Medyo malayo pa kasi ang hacienda sa town proper.
Base sa usapan at biruan ng mag-ina sa loob ng sasakyan, na-realized niyang mabait at malambing si Felix sa ina. May pagka-prangka lang talaga ito kaya nagiging presko ang dating.
"Audrey, kalimutan mo na iyong sinabi ko sa iyo kahapon" ani Felix nang silang dalawa na lang ang sakay patungong hacienda.
"Tungkol saan?" Kunwari ay hindi niya maalala ang date na nabanggit nito.
"About the dinner date invitation," anito na sa kalsada nakatuon ang atensyon. "Ayaw ko namang mabahiran ng hindi maganda ang pagkakakilala mo sa akin. I'm pretty sure that Celine already told you about my reputation here in Davao. Kesyo babaero daw ako, nagpapa-asa ng chicks at hindi raw ako makatagal sa isang relasyon. They were all rumors. They didn't know me. Pero gusto kong maging tunay na magkaibigan tayo."
"What made you say na may nabanggit na si Celine tungkol sa iyo?"
"Si Celine pa. May kadaldalan din ang babaeng iyon at mag-best friend pa kayo kaya alam kong na-warningan ka na noon about me, " sinulyapan siya nito.
"Hindi naman sa ganoon. She said nice things about you," naalala pa niya ang naging usapan nila sa Max's. "Don't worry. Hindi naman ganoon ang tingin ko sa iyo."
"Basta, huwag mong kakalimutan iyong promise mo sa akin."
Napa-isip naman siya kung ano ba ang naipangako niya rito. "About what?"
"Iyong web page na ginagawa ko. I want you to see it. May mga area doon na hindi ko mapatakbo sa paraan at bilis na gusto ko. Maybe you can help me with that."
"Sure. Kung gusto mo, dalhin mo iyong codes bukas. Titingnan ko after our class Then, I will give you my feedback. Puwede ring ayusin natin ang design."
"Sinabi mo iyan ha!" masiglang turan nito. "Excited na nga akong mai-post ang web site namin."
Kung anu-ano pa ang napagkuwentuhan nila sa biyahe. Masayang kasama si Felix . Joker ito. Hindi nga siya nainip.

______________________

VOTE OR COMMENT PLS....🎶

#HP06

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon