Fifth Shot : Ang Aroganteng Prinsipe

2.6K 49 1
                                    

AUDREY

Muling tumunog ang cell phone ni Audrey. Ang akala niya ay si Tita Celia ang nag-text. Inisip niyang naghihintay ito ng kumpirmasyon kung darating ba siya sa kaarawan nito.

She decided not to come. Kahit parang sira ulo siyang nagme-memory lane ngayon sa Café Rafflesia hindi pa rin niya kayang makaharap si Homer.

Binasa niya ang text message. Pero hindi si Tita Celia ang nagpadala ng mensahe kundi si Felix Nepomuceno. Nangangamusta ito at gustong makipagkita sa kanya pagluwas nito ng Maynila galing Davao next week.

Sino nga ba si Felix sa buhay niya?

Kapag naaalala niya si Felix, she will always think of him as a dear and understanding friend. But also, loving her in a distant.

(Flashback)

Natanggap si Audrey sa AC Systems School sa Davao bilang part-time teacher. Dalawang subject ang ibinigay sa kanya para sa mga short courses na ini-offer ng institute. Tuwing M-W-F 9:00-12:00 PM at 3:00-6:00 PM ang schedule niya sa kanya. Aabutin ng isang buwan ang mga subjects na ituturo niya. Tamang-tama lang iyon para pagbalik niya by June sa Maynila ay tapos na ang mga courses na ito. Introduction to Java programming sa umaga na aabot ng 36 hours at basic computer programming na 24 hours sa hapon ang mga ituturo niya.

Madalas nga siyang tanungin ni Celine kung bakit na sa halip na magbakasyon ay nakuha pa niyang magtrabaho. Ang palagi niyang sinasagot ay sayang din naman ang kikitain niya. Pero ang totoo ay gusto niyang maging abala para hindi niya maisip si Homer.

"Ms. Audrey ayaw mag-run nitong program ko," tawag sa kanya ni Elsey, isa sa lima niyang estudyante sa java programming.

First day of classes nila ngayon at binigyan niya ng warm up exercises ang ito. Doon sila nagklase sa isa sa mga silid ng computer school. Parang tutorial ang estilo ng klase dahil kaunti lang naman ang estudyante. Pamilyar na siya sa itinuturo dahil ganito rin ang mga tipo ng subjects niya sa unibersidad.

Mabilis na lumipas ang tatlong oras at natapos kaagad ang first session. Isa-isang nagpaalam ang mga estudyante. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa bracket ng 20 - 30 years old ang mga ito.

Sabay silang manananghalian ni Celine at naghihintay na ito sa bookstore na kalapit din ng eskwelahang iyon sa mall. Alas tres pa ang susunod niyang klase kaya matagal pa ang bakanteng oras niya.

"Bago ka dito ano?" Narinig niyang sabi ng isang lalaki sa likuran niya. Nagbubura siya mga sinulat sa whiteboard. Akala niya ay nakalabas na lahat ng estudyante. Nilingon niya ito at nakita ang isa pang estudyante na Felix ang pangalan sa pagkakatanda niya.

"Tingin ko Ma'am hindi ka taga rito. Pero mahusay po kayo," anito habang nagliligpit ng gamit.

"Salamat naman kung ganon. Actually, professor ako sa FEU at part-time ko lang ito habang nagbabakasyon." Gusto niyang sawayin ang sarili sa pagbibigay ng impormasyon. Pero small details lang naman iyon. It won't harm.

"Ako nga po pala si Felix Nepomuceno."

"Natatandaan kita. Magaling akong mag-memorize ng pangalan ng mga estudyante ko," nakangiting tugon niya. Bigla naman itong napakamot sa ulo na waring napahiya sa pagiging mausisa.

"Naintindihan mo ba ang lecture natin ngayon?" Naisip niyang sabihin para hindi naman mailang si Felix.

"In a way, yes. Pero gusto ko pa ng deeper knowledge about Java scripting and the programming language itself."

"Gusto mong maging web programmer o designer?"

"Not exactly as a profession. Gusto ko sanang gumawa ng web pages para sa business namin. Para mas ma-advertise siya. Kung tutuusin puwede naman akong mag-self study o mag-hire na lang ng marunong kaya lang fascinated talaga ako sa computer and I want to learn something. Gusto ko may natatanungan ako right away habang ginagawa iyong web page."

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon