Third Shot : Pakasalan Mo na Ako... Please

3.3K 50 2
                                    

AUDREY

Bumaba si Audrey sa harapan ng Manila Hotel. Binaybay niya ang daan papunta sa paborito niyang restaurant. Hanggang ngayon ay wala pa ring makakapalit sa puwesto nito sa puso niya.

"Good evening Ma'am," bati ng lalaking nakatayo sa bungad ng restaurant. "May I help you?"

"Yes, I have a reservation under the name of Audrey Arrevalo."

Sinilip ng crew ang reservation sa log book nito. Tumango-tango pa ito ng makita siguro ang pangalan niya. Two days ago pa siya nagpa-reserve.

"You're reservation is here. This way Ma'am." Iginiya siya nito papunta sa nireserbang mesa. Sumunod siya at nagsipagbatian naman ang mga kasalubong na crew.

"Audrey kamusta ka na?" bati ni Kim na siyang kakilala niyang assistant manager doon. Dahil nga sa madalas sila doon ni Homer, may mga kaibigan na rin silang nakapalagayang loob. Isa na roon ang 32 years old na si Kim Francisco. Receptionist pa lang noon si Kim nang makilala nila. Friendly at medyo chubby pa si Kim noon. Dahil sa determinasyon nitong pumayat, kung anu-anong diet ang sinubukan at nagtagumpay naman base sa nakikita niyang figure nito ngayon. Dumalo pa sila ni Homer sa kasal nito last year.

"Mabuti naman. Kamusta ka? Blooming ka yata ngayon," pansin niya sa naka-unipormeng dalaga.

"Hindi naman Audrey. In love pa rin sa asawa ko," kinikilig pang sabi nito. "Ngayon ka lang yata nakabalik dito. Kasama mo ba si Homer? "

"Hindi. Ako lang," mabilis na sagot niya.

Ipinaghila pa siya nito ng upuan. "Audrey, tawagan mo lang ako o kung sino man sa amin kapag may kailangan ka."

"Salamat Kim. Puwede bang dalhan mo ako ng mango juice? Mamaya na lang ako mag-oorder."

"Okay. One mango juice right away!" nakangiting sabi ni Kim bago siya nito iniwan.

Marami pa ring tao sa restaurant. Wala pa ring ipinagbago ang hitsura nito. Maganda pa rin tulad ng dati . Nagkakatuwaan ang mga taong nakikita niyang magkakasalo sa bawat mesa. Halos lahat ay may kasama. Siya nga lang yata ang nag-iisa. Sa paboritong mesa pa rin nila ni Homer siya naupo.

Naisip niyang siguro nga ay may pagka-masokista siya. Kung gusto niyang makalimot sa kabiguan ay dapat niyang iniiwasan ang mga lugar na lagi nilang pinupuntahan ng dating kasintahan. Pero heto siya at nagbalik pa para sariwain ang nakaraan. Birthday niya noong Marso nang huli silang mag-dinner ni Homer sa Café Rafflesia.......

(Flashback)

Twenty six years old na siya. Sabi nga ng mga matatanda, hinog na para mag-asawa. Sa darating na Oktubre ng taong ito ay magse-celebrate na sila ng ika-limang taong anibersaryo ni Homer bilang mag-sweethearts. In between the ups and downs of their relationship, they managed to survive. Noong una silang magkita ay fresh graduate pa lang siya. Ngayon, professor na siya at may masteral degree pa sa IT na kinuha niya sa Ateneo. Si Homer naman ay isa ng network analyst sa isang established multi-national software firm sa Makati. Nabanggit nito nang huli silang magkita na tapos na nitong hulugan ang Toyota Vios nito. Nakaka-ilang taon na rin ito sa paghuhulog ng sariling bahay sa Quezon City.

It may be absurd to expect a marriage proposal tonight, but she was expecting one. Pareho na naman silang established sa kani-kanilang mga careers at gusto na niyang magkaroon ng baby. Sa edad niyang 26 at 27 naman si Homer ay hindi na siguro magiging malayo ang age gap ng mga future kids nila.

"Are you expecting someone?" narinig niyang si Homer ang nagsalita. Naroon nga ito sa likuran niya nang lingunin niya. "For my sweet lady, Happy Birthday!" Iniabot nito ang isang bouquet ng tulips. Kinuha niya iyon at pinagmasdan sandali ang paboritong bulaklak. Hindi pa rin kumukupas ang pagiging thoughtful ng nobyo niya. Magbago kaya ito kapag mag-asawa na sila?

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon