Eight Shot : This is my Game!

2.2K 48 1
                                    

AUDREY

May namataan si Audrey na grupo ng mga babae at lalaki na kadarating lang sa restaurant. Maiingay ang mga ito at naghaharutan pa. Mukhang galing sa isang badminton game dahil kanya-kanya ang bitbit ng raketa. Mula nang bumalik siya galing Davao, nakahiligan na niya ang larong iyon.

Nag-aya si Felix na maglaro sila ng badminton sa pag-aari nitong badminton clinic. Tinuruan siya nito ng mga basic rules, tips at tricks. Halos dalawang oras na rin silang naglalaro at nakakapagod pala. Nang ma-drain ang mga enerhiya, inaya na niya itong magpahinga. Hindi pa ganoon kalakas ang stamina niya para ma-sustain ang matagal na laro. Doon sila sa coffee shop tatambay.

"Andito ka pala pinsan!" Huminto si Felix sa tapat ng isang bench. Napatigil na rin siya.

"Kuya Felix! Pinulikat ako kanina, ang sakit-sakit ng binti ko," sabi ng babaeng nakaupo sa bench. Nakangiwi ang babae at mukhang nasasaktan nga. May kalakihan ang bulas ng babae. Malaman ito ng kaunti sa tipikal na built ng mga Filipina pero bagay naman sa framework nito. Ang nakakairita lang ay ang boses nito. Masyadong matinis. Parang nayuping takip ng kaserola.

Nabahala ang mukha ni Felix. "Okay ka na ba?" Lumapit ito sa babae at sinipat ang binti nito.

"Oo naman. Tinulungan ako ni Homer. Siyanga pala Homer si Kuya Felix."

Homer? Agad niyang tiningnan ang katabi ng babae sa bench na hindi naman nakaharap sa kanila. Minamasahe nito ang binti ng babae.

Muntik na siyang mapa-urong nang makilala ang lalaking iyon dahil ang Homer na tinutukoy pala nito ay ang Homer na kilala niya.

Tumayo si Homer. Diretsong tumingin ito sa kanya at walang kangiti-ngiti. Mukhang iritado pa.

"Huwag mo naman akong tawaging kuya. Ilang taon lang naman ang lamang ko sa iyo," nagbibirong sabi ni Felix . Nakipagkamay ito kay Homer. "Kumusta pare?"

"Mabuti naman," tinanggap nito ang pakikipagkamay ni Felix bago siya sinulyapan nito.

Bakit nandito si Homer sa Davao?

"Ipakilala mo naman ako sa kasama mo Kuya," anang babae kay Felix.

"Sorry nakalimutan kong ipakilala si Audrey. She's my friend and teacher as well. Audrey, si Tracy. Pinsan ko."

"Hi Tracy," nakangiting sabi nya.

"Hello," tinanguan siya nito. "This is my friend, Homer."

"Nice meeting you, Audrey," umakto itong hindi sila magkakilala. Nakipag-kamay pa ito sa kanya at pinisil ang kamay niya. Sinakyan na lang niya ang trip nito.

"Nice meeting you rin Mr. Homer Guanzon," aniya.

"How did you know my last name?" pakunwaring sabi nito.

Nabigla siya sa nasabi. Kung bagong magkakilala nga naman sila, paanong nalaman niya ang apelyido nito?

"Wild guess?" palusot niya. "Kasi alam mo kay kakilala ako na kamukha mo. Nagugutom na ako Felix. Baka puwedeng umalis na tayo." Bumitaw na siya sa kamay ni Homer.

"Mauuna na kami sa inyo. Dalasan mo kasi ang paglalaro Tracy para hindi nakakatulog iyang mga muscles mo," kantiyaw ni Felix.

"I will do that. Kung gusto mo mag-match tayo one of these days."

"Sige ba. How about tomorrow?" suhestiyon ni Felix.

"Puwede ka ba bukas Homer?" baling ni Tracy sa katabi na nagpataas yata ng blood pressure niya. May lambing ang pagkakabanggit nito sa pangalan ni Homer.

Her Proposal (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon