☘Palasyo

76 14 0
                                    

"Tinder, malayo paba tayo?"

"Sa kabila ng mataas na bundok na yan, kagubatan na kaibigan. At dyan natin itatatag ang palasyo natin."

Patuloy lang ang paglalakbay ng dalawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Patuloy lang ang paglalakbay ng dalawa. "Kamahalan, ang inyong buhok nag iiba ng kulay."

Napangiti na lang si Alitaptap ng mahimigan sa boses ni Tinder ang pag aalala nito.

"Sadyang umiitim ang buhok ko kapag nakakaramdam  ako ng malamig na kapaligiran. Wag kang mag alala, buhok ko lang naman ang magbabago hindi ang aking katauhan.. Saka kusa din yang babalik sa dati kapag sinapit na natin ang  kagubatan."

Tanaw na nila ang lugar, konting lakad na lang makakarating na sila ng kagubatan. Nakikinita na nyang itatatag nilang palasyo ni Tinder. Lalo tuloy syang nasasabik na mabuo na nilang magkaibigan ang kanilang sariling tahanan.

"Kailangan kong magbagong anyo kaibigan, para mas mabilis nating maitatayo ang ninanais nating tahanan."

Nakamasid lang si Alitaptap kay Tinder ng itinaas nitong dalawang paa paturo sa himpapawid. Binalot ito ng makapal na usok at ng umihip ang malakas na hangin, tangay nitong makapal na usok palayo kay Tinder. Napaawang ang bibig ni Alitaptap ng masilayan ang bagong kaanyuhan ng kanyang kaibigan.

 Napaawang ang bibig ni Alitaptap ng masilayan ang bagong kaanyuhan ng kanyang kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Maaliwalas na araw sayo, Prinsesa Alitaptap,  ng kahariang Umbra."  Nakangiting yumukod ito saka nagpakilala.  "Ako si Tinder fekesha, ang espiyang salamangkera ng kahariang Galesh. Naparusahan at ipinatapon sa Fairyland, para pagbayarin sa salang paglason kay Quran, ang alagad na puting usa ni Reyna Tryna. Ikinararangal kong makilala kita Prinsesa Alitaptap, at maging kaibigan na rin kung iyong mamarapatin."

"Napakaganda mo naman... Eh, totoo bang nilason mong puting usa? Kaya ba ang dati mong wangis ay katulad ni Quran?"

"Hindi ako ang may kagagawan ng paglason, Kamahalan. Ako lang ang naabutan ng mga kawal sa lugar ng pinangyarihan, dahil ako ang unang nakakita at nais tumulong kay Quran para iligtas ang kanyang buhay. Pero huli ng lahat, dahil ng hawakan kong kanyang katawan para suriin, wala na syang buhay. Kaya, ayun! ang kinahantungan ko'y sa Fairyland."  Ngumiti ito, pero mababanaag ang kalungkutan sa mga mata ni Tinder.

☘ Lihim na Pagtingin ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon