"Onyyyx!.."
Napatuwid ng tayo si Cassiel ng biglang marinig ang sigaw ni Alitaptap. Itinaas nyang sandata at dun malinaw nyang nakikita ang kaganapan sa Mereditha. Nag uumpisa ng digmaan.. Sinuyod nyang tingin sa mga naglalaban. Nakita nya si Alitaptap na walang humpay ang pagkumpas ng dalawang kamay nito sa dalawang salamangkera ng Didosaur. Tangay ng mga ito si Onyx na walang malay. Ng makita nyang bumagsak ang isang salamangkera na may hawak kay Onyx, kaagad syang naglaho at lumitaw sa harap ng Didosaur na gumagapang sa lupa. Sinipa nya ito sa mukha at ng dipa sya makontento, ubod lakas nyang ibinaon sa dibdib nitong matulis na bahagi ng kanyang mahabang sandata. Bumulwak ang kulay berdeng likido sa bibig nito at dibdib kung saan nakabaon ang kanyang sandata.
"Hindi ko maintindihan kung bakit kayo umanib sa Mekam at Boreas, nakikipaglaban ng patayan para saan naman?"
Nanlilisik ang mga matang tanong ni Cassiel sa nakangising salamangkera ng Didosaur.
"Malalim ang dahilan namin, kaya wag mo ng piliting intindihin, baka sumabog lang yang utak mo kapag pinilit mo pang alamin.."
"Ganun ba! Sige, mamahinga kana!"
Bolta boltahing kuryente ang dumaloy mula sa kanyang sandatang nakatarak sa dibdib ng Didosaur, dina ito nakasigaw sa bilis ng mga pangyayari, naging abo na lang ito bigla na tinangay ng hangin.
"Onyyxx... dumilat kana, pakiusap!" Dumaloy ang masaganang luha sa magkabilang pisngi ni Alitaptap, habang yakap yakap si Onyx na tila wala ng buhay. Ngayon lang sya nakaramdam ng sobrang takot, habang inaalog alog ang katawan ng kabalyerong lihim na iniibig.
"Onyx..." Kitang kita nya ang pagtama ng isang bolang apoy na iba't ibang kulay sa dibdib ni Onyx, na abala sa pakikipaglaban kanina. Napapikit na lang sya ng maalala ang huling salitang lumabas sa bibig nito bago tuluyang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.
Pinalibot nyang tingin sa buong Mereditha.Unang nakita nya ay ang kapatid na si Ayana kasamang kabiyak nitong si Dwarf na magkasamang nakikipaglaban sa mga drakula. Sina Draca at Euri kasamang mga alagang dragon ng mga ito. Ang magkapatid na sina Lorsan at Arkin. Ang mga kabalyerong mandirigma ng Umbra sa pamumuno ni Heneral Axel at Heneral Ixeo. Ang mga Amazona... Ang mga mandirigma at salamangkera ng Inspra, Getah, Orlin. at ang mga puting Anghel sa pamumuno ni Orwell. Ang mga Reyna na sina Eira, Jade at Diamond. At higit sa lahat ang kanyang mahal na Inang Reyna Amethyst at Amang Hari na si Xian... Kahit mga sugatan patuloy pa ring lumalaban.. Nabaling ang kanyang tingin sa mga nagkalat na mga sugatan at mga namatay na nakakalat lang kung saan.. Napabuntong hininga na lang sya saka bumaba ang kanyang tingin kay Onyx na yakap yakap pa rin nya.
"Onyx... Wag mo akong iwan..." Umupo sya sa lupa saka maingat nyang inilapag ang ulo ni Onyx sa kanyang kandungan. Masuyong hinaplos haplos nyang mukha nito saka sinuklay suklay ang gulo gulong buhok ng kanyang minamahal.
"Narinig ko yung huli mong sinabi kanina." Napangiti sya ng maalalang huling sinabi sa kanya ni Onyx bago ito bumagsak sa lupa at nawalan ng malay.
"Mahal din kita, Onyx. mahal na mahal.. Kaya dumilat ka na't tumayo, marami pa tayong kalaban, hindi pa tapos ang digmaan."
"Totoo? Kelan pa? " napaangat bigla ang kanyang tingin sa nagsalitang chismoso na ngayon ay malapad ang pagkakangiti sa kanya.
"Dwarf! Kanina kapa ba dyan?"
"Sakto lang! para marinig kong sinabi mo. Saka, pinababantayan ka sakin ni Ayana eh! Masyado ka raw kasing abala dyan sa mahal mo, kaya nakalimutan mo yatang nasa gitna tayo ng digmaan, Prinsesa."
"Pasensya na! nag aalala lang kasi ako sa kaibigan mo.. Humihinga pa naman sya, pero bakit nananatiling nakapikit pa rin ang kanyang mga mata?"
Parang batang nagsusumbong sa kanyang Ama si Alitaptap. Napapalabi pa ito sa nakikitang kalagayan ni Onyx. Masyado syang apektado na hindi man lang nya napapansin ang pag angat ng sulok ng labi ni Onyx, na pigil ang sariling yakapin ang Prinsesa. Pero matalas ang pakiramdam ni Dwarf, idagdag pang kilala na nyang kaibigan mula ulo hanggang paa. Eh, pare pareho lang naman silang tatlo nila Onyx at Euri ng diskarte pagdating sa mga diwatang minamahal nila.
BINABASA MO ANG
☘ Lihim na Pagtingin ✔💯
FantasyAlitaptap at Onyx 🥀 Love Story Walang kinatatakutang kalaban si Onyx, ang kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra sa mundo ng Engkantadya. Mapa bampira, itim na anghel, itim na mangkukulam at kung anu ano pang kalaban, sinusuong nyang iba't ibang...