☘Mereditha

46 13 0
                                    

Isa isang binati ni Amethyst ang mga kaibigang Reyna na kasangga nya sa bawat digmaan sa Engkantadya. Nasa loob sila ng Gotten, ang lihim at sagradong silid sa  Palasyo ng Umbra. Tanging si Akira, Ivory at Haring Xian lang ang nakakaalam  tungkol sa Gotten. Nakatayo sya sa pinakagitnang bahagi ng silid, samantalang nakatayo naman sa kanyang harapan sina Diamond, Jade, Eira at Orwell. Nakatutok ang mga mata nila kay Amethyst na nag uumpisa ng ilabas sa kanyang katawan ang pinangangalagaang mga brilyante. Una nitong  ibinahagi kay Jade ang brilyante ng apoy.

Amethyst☘ Tagapangalaga ng mga Brilyante👇

"Sa ngalan ng kataas taasang Bathala ng mundo ng Engkantadya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sa ngalan ng kataas taasang Bathala ng mundo ng Engkantadya. Ako si Amethyst, ang inatasang tagapangalaga ng apat na makapangyarihang brilyante, nais kong ipatupad ang nakasaad sa Propeseya, para mailigtas muli ang buong Engkantadya sa mga ganid at maiitim ang budhi. Pansamantalang ibinabahagi ko sa apat na magigiting at matatapat na tagasunod ni Bathala ang aking hawak na mga brilyante. Naway gabayan at ituro sa kanila ng hahawakan nilang brilyante, ang nararapat na gawin, para lang sa kabutihan at hindi sa kasamaan.." 

Inilahad nyang nakabukas na palad kay Jade, mula sa kanyang kamay ay lumutang paikot ikot ang brilyante ng apoy bago lumipat ito sa mga kamay ni Jade at nanatili na dun.

Reyna Jade ng Getah👇

"Mula sa kahariang Getah, isang karangalan ang mangalaga pansamantala sa brilyante ng Apoy! Salamat sa pagtitiwala sa kakayahan ko, Reyna Amethyst

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Mula sa kahariang Getah, isang karangalan ang mangalaga pansamantala sa brilyante ng Apoy! Salamat sa pagtitiwala sa kakayahan ko, Reyna Amethyst." 

Ngumiti lang si Amethyst, saka bumaling ng tingin kay Eira, na seryosong nakatingin din sa kanya. At kagaya ng ginawa nyang paglilipat ng brilyante kay Jade, ganun din ang kanyang sinabi't ginawa kay Eira na hawak na ngayon ang brilyante ng tubig, at si Diamond na hawak naman ang brilyante ng lupa.

Reyna Eira ng Orlin👇

Reyna Eira ng Orlin👇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
☘ Lihim na Pagtingin ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon