"Psst.. Dwarf!" Kuha ni Onyx sa pansin ng kaibigan na nakatulalang nakatingin kay Tinder. Ng bumaling ang tingin nito sa kanya, kaagad nyang inginuso ang diwatang abala sa pamimitas ng pulang rosas.
"Bakit?"
"San mo nakilala si Tinder, ha?"
Napapailing na natawa pa ng mahina si Dwarf bago ibinaling ulit ang tingin sa diwatang walang pakialam sa kanyang paligid.
"Cassiel ang kanyang pangalan, ang Anghel na mapag-mahal sa kapwa. Binibigay ang makakaya lahat ginagawa, ang makitang masaya ka, sa kanya'y sapat na. Ganyan lang kababaw ang kanyang kaligayahan..."
Napahinto sa kanyang ginagawa si Tinder ng marinig ang usapan nila Dwarf at Onyx. Mapait syang napangiti ng maalalang mga kaganapan noon sa kanyang buhay.
Yung sa di inaasahang pagkakataon, natutong umibig sa maling panahon. Magkabilang mundo paano nangyari ang ganun? kahit na siya sa kanyang sarili di niya inakalang mangyayari yun. Araw gabi siyang umaasam at naghihintay. Sa tagpuan nila ni Kahlil, kahit malayo kanyang nilalakbay, kahit bawal at lihim ang kanilang pagmamahalan naging matatag sila di sumuko sa kahit na anumang laban... Binigay niyang lahat lahat sa minamahal niya, kahit mabigat ang kaparusahang kapalit nito'y binalewala, mga katungkulan bilang puting anghel kinalimutan niya, Sa tawag ng pag-ibig naging alipin siya... Dahil nilabag niyang batas ng mga puting anghel, na bawal silang umibig sa mga itim na anghel, pinatawan siya ng kaparusahang mabigat at ito ay sa pagputol ng kanyang mga pakpak... Masisisi mo ba siya, kung ipinagpalit niyang lahat para siya'y lumigaya? lahat naman may karapatang sumaya, di nga ba't ang Diyos ay pag-ibig yun ang ating paniniwala... Kahit na ganun ang sinapit niya, hindi niya pinagsisihan ang kanyang mga ginawa, naging kontento at maligaya ang pagsasama nila, dahil ipinaglaban ang pagmamahal nila sa isa't-isa...
"Cassiel! este, Tinder kana nga pala ngayon, anong nangyari? Nasaan na si Kahlil?"
May pag aalangang tanong ni Dwarf sa natitigilang diwata.
"Wala na sya Dwarf, napaslang sya sa pagtatanggol sakin."
"Anong ibig mong sabihin? Eh, nung huli tayong nagkita, hinatid ko pa nga kayo sa palasyo nila Kahlil diba?"
"Alam naman na natin, na ang mga itim na Anghel ay mga tuso, mapanlinlang, at mapagbalatkayo. Kahit na puro kabutihan pang ipinakita namin sa kanila, nagawa pa rin nila kaming paslangin. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang tungkol kay Ina, at ang tungkol kay tiya Cassiel na syang nagligtas at kasamang naghatid kay Prinsesa Amethyst noon sa Palasyo ng Umbra. Ginawa kong lahat ng makakaya ko para lang makaligtas kami ni Kahlil, pero napaslang pa rin sya. Nakatakas man ako at nakabalik saming palasyo, pero napatawan pa rin ako ng isang kaparusahang matindi. Naging usa ako at ipinatapon ng aking madrasta sa malayong lugar."
"Bakit hindi ka man lang tinulungan ng iyong Ama? Diba isa syang magaling na salamangkero? Bakit nya hinayaang mangyari ito lahat sayo?"
"Dahil nasa ilalim sya ng isang itim na mahika. Hindi na sya ang aking Ama, Dwarf. Ibang iba na sya nung huli kaming magkita."
Napayuko si Tinder, malungkot nitong tinitingnan ang isa isang pagkalagas ng pulang rosas na hawak. Kasabay nun ang paglitaw ng kanyang mga pakpak, napailing iling na lang syang napahawak sa kanyang dibdib at dahan dahang lumingon sa kanyang gilid kung saan nakaupo sila Dwarf at Onyx sa mga nakausling ugat ng punong kahoy.
BINABASA MO ANG
☘ Lihim na Pagtingin ✔💯
FantasyAlitaptap at Onyx 🥀 Love Story Walang kinatatakutang kalaban si Onyx, ang kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra sa mundo ng Engkantadya. Mapa bampira, itim na anghel, itim na mangkukulam at kung anu ano pang kalaban, sinusuong nyang iba't ibang...