☘Didosaur

46 13 0
                                    

Mga Salamangkera ng Didosaur ☘ 👇

"Mga Salamangkera ng Didosaur?" Kunot noong napabaling ang tingin ni Amethyst kay Arkin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Mga Salamangkera ng Didosaur?" Kunot noong napabaling ang tingin ni Amethyst kay Arkin.

"Opo! Kamahalan, walong mababagsik na salamangkera ang umanib sa kahariang Mekam."

"Kung ganun, di lang Kaharian ng Boreas at Mekam ang masasagupa natin ngayon, mga Didosaur na rin.. Hmm.. Kamahalan, may nais po akong imungkahi sa inyo, maaari po ba?"

Ng tumango ang Reyna kay Ivory, sumulyap pa ito kay Akira na kumindat lang sa kanya.

"Ang propiseya po! Kamahalan, yun pong imumungkahi ko sa inyo."

Napaisip ng malalim si Amethyst, malaki ang maitutulong ng propiseya kung isasakatuparan nya yun. Malaki ang pag asa nilang magapi ang mga kalaban kung may makakatuwang sya sa paggamit ng mga brilyanteng nasa kanyang pangangalaga. Dahil, ayun sa nakasaad sa propiseya, kapag pinaghiwa hiwalay ng tagapangalaga ang mga Brilyante at ipinaubaya ang mga ito sa karapat dapat na humawak dito, di matatawaran ang ipapamalas nitong taglay na kapangyarihan. Pero, may dapat muna syang tiyakin, bago nya pakawalan ang mga pinangangalagaan nyang mga brilyante. May naiisip na syang magiging katuwang sa pagpapatupad ng propiseya.

"Amber, Mayumi, Ivory, Urduja!"

Kaagad namang lumapit ang apat na diwata saka yumukod sa kanyang harapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kaagad namang lumapit ang apat na diwata saka yumukod sa kanyang harapan.

"Kamahalan!"

"Amber, nais kong sunduin mo si Jade sa kahariang Getah. Ikaw naman Mayumi, sunduin mo ang yung Inang si Diamond at isama dito sa Palasyo. Ivory, puntahan mo si Orwell sa sagradong lagusan ng Vizard, ibigay mo sa kanya ang kasulatang pinagawa't pinatago ko sayo noon. At Urduja, sunduin mo ang Reyna Eira, ng karagatang Orlin. Aasahan kong bago mag takipsilim ay nakabalik na kayong apat at kasama nyo na silang lahat. Maliwanag na ba sa inyo ang ninanais ko?" Tiningnan isa isa ni Amethyst ang mga pinagkakatiwalang mga diwata.

"Naiintindihan po namin lahat, Reyna Amethyst. Ngayon din po tutungo na kami sa kanila para makabalik kaming lahat bago mag takipsilim." Yumukod ng apat saka sabay sabay na naglaho.

☘ Lihim na Pagtingin ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon