☘Prinsesa Alitaptap

134 17 0
                                    

"Alitaptap, bumalik ka dito! hindi pa ako tapos mag ayos ng buhok mo."

Habol habol ng Inang Reyna Amethyst ang apat na taong gulang na bunsong anak na si Alitaptap. Malikot ito at napaka sutil, lahat nahihirapang alagaan ito. Napaka bugnutin at mabilis ang kamay kaya takot ang mga nakatukang mag alaga dito kasi kapag kumumpas ng kamay nito hindi pwedeng walang magdurusa kapag tinamaan ng kapangyarihang taglay nito.

" Eeeee...Aganda na po ako Ina."

Nagkanda dapa dapa na kakatakbo ang paslit matakasan lang ang kanyang Ina. Laking tuwa nito ng makakita ng malaking paso sa gilid ng palasyo. Dali dali syang sumoksok sa gilid nun para magkubli kahit naiipit ang malaking tiyan nito tiniis nya wag lang syang mahuhuli ng kanyang Ina. Kasi naman sumasakit ng anit nya kakasuklay ng kanyang Ina, panu ba naman nagkadikit dikit na halos ang hibla ng kanyang buhok dahil sa lagkit ng kinain nyang pulot.

"Alitaptap! pag dika pa lumabas, hindi na kita pakakainin ng pulot, sige ka! Ikaw rin maglalaway ka kapag pinakain kong lahat kay Akira, naku paborito pa naman yun ng aking tagapayo."

Tumulis ang mapupulang labi ni Alitaptap, maya maya nanubig ng mga mata nito na kalaunan ay namigat na't isa isang pumatak ang kanyang mga luha. Gustong gusto na nyang magpakita sa kanyang Ina pero ayaw nyang magpasuklay ulit dito kaya nanatili sya sa kanyang pinagtataguan.

"Maaliwalas na araw Mahal na Reyna, naghihintay na po ang lahat sa punong bulwagan."

"Sige, mauna kana dun Ivory, susunod na ako. Salamat."

Napapisil ng kanyang ilong si Alitaptap ng marinig ang usapang yun. Naghintay pa sya ng ilang saglit para masiguradong wala ng kanyang Ina pagkalabas nya.

"Prinsesa Alitaptap! ano pong ginagawa nyo dyan?"

Kaagad na itinapat ni Alitaptap ang hintuturong daliri sa bibig nito. Saka nilingon nya kung sinong lapastangan ang nakakita sa kanya.

"Sssshh... Wag ingay."

Napatutop ng kanyang bibig si Alitaptap ng muling marinig ang boses ng kanyang Ina.

"Onyx, pakiusap hanapin mo ang sutil kong anak at dalhin mo sakin."

Sumulyap saglit si Onyx sa pinagkukublihan ni Alitaptap. Di nya napigil ang bahagyang mapatawa sa nakitang hitsura ng paslit. Napakarungis nito dumagdag pang buhok nito na parang kinahig ng manok. Nandidilat ang mga mata nitong nakatingin sa kanya at ang maliit na hintuturong daliri nito ay nakatutok sa kanya. Parang alam na nyang mangyayari kapag isinumbong nya ito sa Reyna, kaya naisipan nyang manahimik na lang muna.

"Onyx!"

"Masusunod po Mahal na Reyna." Aniyang nakayukod sa Reyna. Yun lang at naglaho ng Reyna Amethyst.

"Psst... Hoy, lika dito lapit sakin.. Tulong ako labas dito!"

"Ako?" Tinuro pa ni Onyx ang sarili para makatiyak kung sya nga bang tinatawag ng Prinsesa Alitaptap. Natutuwa talaga sya dito kapag nagsasalita ito kasi kahit di nito mabigkas ang letrang 'M' madaldal pa rin ito.

"Oo, kaw nga! Kulit.. lapit dito dali. Sakit tiyan ko niipit dito."

'Kaya pala di umaalis dun kasi naipit ang tiyan haha.'

Natatawang kaagad na nilapitan ito ni Onyx. Hinila nyang malaking paso ng bulaklak palayo kay Alitaptap.

"Hayy... nakahinga din ako."

"Eh sakin, hindi kaba magpapasalamat kamahalan?"

Pigil ang ngiting sabi ni Onyx kay Alitaptap na ngayon ay nagkakamot na ng ulo. Siguro nangangati na ito.

☘ Lihim na Pagtingin ✔💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon