This chapter is dedicated to my friend, PrettyBora7
Happy Birthday again Be!♡[ FLAIRE ]
"Flaire..."Isang boses ang narinig ko at napunta ako sa tuktok ng isang talampas. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tumambad sa aking paningin ang isang babae na nakasuot ng pulang bestida. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Hindi rin pamilyar sa akin ang boses kaya wala akong hinuha kung sino siya.
Kahit nagtataka kung paano ako napunta rito ay lumapit ako sa kanya. Humarap siya sa akin at naglahad ng kamay. Natulala ako. Magkamukha kami.
May nagtutulak sa akin na iabot ang kamay ko na ginawa ko. Nang magtapat kami ay hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"Napakaganda ng Fiore, hindi ba."
Binalingan ko ang kanina pang pinagmamasdan niya at ganun na lang ang pagkamangha ko sa nakitang tanawin. Mula sa pwesto namin kitang kita ang malawak na Fiore at sa kalayuan ang bayan nito at ang Palasyo. Sa lawak ng Fiore hindi makita mula rito ang hangganan na naghihiwalay sa kabilang lugar o ang tirahan ng tulad namin ngunit ibang elemento ang tinataglay.
"Masigla at payapa naman ang bayan. Sa kagustuhang mapanatili ang ganyang kaayusan ay maraming katotohanan ang itinatago at pinagtatakpan. Ang bawat angkan ay may sariling nais para sa bayan at sa kanilang kapakanan."
"Labing walong taon na ang nakakalipas mula nang makamit ng Fiore ang kapayapaang tinatamasa nito dahil sa isang dahilan."
"Magulo ba ang Fiore labing walong taong nakakaraan?" Tanong ko.
"Oo dahil sa alitan sa pagitan ng kaharian ng angkan ng itim na apoy at kaharian ng angkan ng asul na apoy. Kahit mag-isa lang ang angkan ng itim na apoy ay kaya nitong tapatan ang limang angkan sa ilalim ng pamamahala ng angkan ng mga asul. Mas lumala ang nangyaring gulo dahil sa isang pangyayari."
"Anong nangyari?"
Binaling niya sa akin ang paningin at ngumiti.
"Tungkol sa isang dahilan na tinutukoy ko kanina, isang tao ito at ikaw iyon, Flaire."
Natigilan ako at akmang magtatanong ulit nang maglaho siya.
"Sino ka..."
Presensya ng mga taong nakapalibot sa akin ang nagpamulat at nagpabangon sa akin.
"Flaire, mabuti at gising ka na."
Binalingan ko si Ina at nilibot ang paningin sa paligid. Natigilan ako ng biglang pumasok sa isip ko ang laban namin nila Prinsipe Alixid.
"Si Prinsipe Alixid?" Agad na tanong ko nang maalala ang itim na bolang apoy na bumagsak sa kanya. Akmang babangon na ako ng pigilan ako ni Ina.
"Anong nangyari kay Prinsipe Alixid? Kailangan ko siyang makita."
"Huminahon ka, Flaire. Nandito ka sa silid mo sa ating mansyon at wala ka sa Palasyo. Dinala ka namin dito matapos ang nangyari kahapon." Natigilan ako at nagtatakang tiningnan sya.
"Pupunta ako ng Palasyo."
Akmang tatayo na ako nang mapansin ang mga galos ko sa katawan. Nakabenda rin ang isa kong braso.
"Hindi ka makakapasok ng Palasyo, Flaire. Pinagbawalan ka ng Mahal na Hari."
"Ha?"
BINABASA MO ANG
Scarlet Princess
FantasyUpang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalagang babala; 'Ang huwag saktan ang tinatawag nilang Scarlet Princess.' *** Highest Rank in Fantasy • Rank #3 (01-27-22) • Rank #5 (03-03-21) A...