Kabanata 28

4.1K 244 61
                                    

                                     [ FLAIRE ]

Hindi nangyari ang sabi ni ama na kinabukasan ay madadalaw ko na si Prinsipe Alixid dahil limang araw na ako ngayon dito at hindi pa rin bumabalik si Vesiana mula nang bumalik ito sa Palasyo ng Asul nung hapon ring pagpunta ko rito. Malugod rin akong sinalubong ng mga konseho nang ipakilala ako ni ama kinabukasan na dapat ay lakad namin ni Vesiana. 

“Hindi halatang wala ka sa sarili habang pumapana dahil halos gitna ang tama ng palaso.” 

Ibinaba ko ang pana at nilingon si Vance. Sa apat na araw ay siya ang halos kasama ko kahit saan ako magpunta syempre maliban sa kwarto at personal na bagay. Minsan pumasok rin sa isip ko na plano ito ng ama ko dahil tulad ng sabi ni Vesiana ay siya ang gusto ni ama para sa akin.

Hindi siya mahirap pakisamahan dahil kahit mukha siyang masungit at suplado ay kabaligtaran ng trato niya sa akin. Sa ilang araw pa lang ay nakikita ko yung mga babae ritong may nagpapakita ng pagkagusto sa kaniya. Hindi ko maiwasang kaawaan ang mga babaeng yun dahil kahit anong papansin nila ay sa akin lang nakatingin si Vance.

Kahapon ay kinompronta ko siya sa mga kilos niya at natahimik na lamang ako sa naging sagot niya.

“Higit pa sa buhay ko ang respeto ko sa ama mo, at kung ang paraang maging asawa mo ang makakalayo sayo sa maaring sumakit sa iyo ay gagawin ko hindi lang dahil sa tungkulin ko iyon kundi simula pa lang nang makilala at ituring kang prinsesa ay ipinangako kong sayo ko lang ilalaan ang lahat ng akin.”

Simula nang masaktan ako sa una kong pag-ibig, kay Prinsipe Acnus ay nagkaroon na ako ng pagdududa sa nararamdaman ko kaya nanatili akong tahimik o hindi siniseryoso kapag ganito ang usapan. Pero sa sinabi ni Vance, may parte sa akin na nakaramdam ako ng lungkot pero ayaw ko pangalanan ng saktong salita.

Iyon ay dahil may isang taong nasa isip ko ngayon.

Kamusta na kaya sya?

"Kung aalis ako ngayon, pipigilan mo ako?"

Ibinaba ko ang hawak na pana at binalingan siya ng pansin. Hindi sya umimik at mataman lang akong tiningnan. Nakikita ko sa mukha niya ang pagdadalawang isip at lungkot? Bigla itong nawala at napalitan ng pagiging seryoso.

"Oo, hinabilin ka sa akin ng iyong ama. Hindi kita hahayaang makaalis at mapahamak sa nais mong puntahan."

"Kung ganon..."

Nagpakawala ako ng bolang apoy sa kanang kamay at ibinato sa kanya. Nakaiwas sya at binato din ako ng bolang apoy. Sinalubong ko ito ng apoy ko at nawala ang ibinato niya. Nginisihan ko sya.

Tumayo sya ng tuwid at seryoso habang may lumalabas na apoy sa paahan niya. Ang mga nakakakita naman sa aming dalawa ay natigil sa kani-kanilang mga gawain at pinagtuunan kaming panoorin ngunit lumayo sila para hindi madamay sa laban.

Tumuwid din ako ng tayo at nagpalabas ng apoy sa paahan. Lumawak ito at nagsasanggan ang mga apoy namin. Tumalon ako palayo at inipon ang mga apoy ko sa tapat ng kanang kamay. Ganun din ang ginawa niya hanggang sa makabuo ng malaking itim na bolang apoy. Natigilan ako at pinagmasdan ito.

"Ikaw ba ang may-ari ng bolang apoy na tumama kay Prinsipe Alixid?" Seryoso kong tanong nang may mapagtanto.

"Ako nga, mahal na prinsesa." Aniya at ibinato sa akin ang malaking bolang apoy. Nakatayo lamang ako at masamang nakatingin sa kanya. Kasalanan nya kung bakit napahamak ang prinsepe. At ang isiping hindi ako makalapit dito ay nakakagalit.

Scarlet PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon