Kabanata 3

6.8K 389 56
                                    

[FLAIRE]

"Buhay ka pa ba?"

Sa inis ko ay naibato ko ang suklay sa pinto kahit na nasa labas ang nagsalita. Kanina pa ako naasar dahil paulit-ulit itong nagtatanong kung tapos na ako.

Muli kong tiningnan ang sarili sa malaking salamin. Suot ko ang isa sa mga dala kong pang-okasyong kasuotan. Pulang bestidang abot hanggang paa na gawa sa makintab at mamahaling tela ang napili ko. Puno ito ng mga disenyong burda na may maliliit na dyamante sa ibabang bahagi. Labas ang itaas na bahagi ng dibdib ko at ganun rin ang aking balikat kaya naglagay ako ng dyamanteng kwentas at hikaw. Naglagay din ako ng kolorete at iba pang pampaganda sa mukha. Nakalugay lang rin ang aking buhok. Sa ibaba naman ay suot ko ang puting sandalyas.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang nakabusangot na prinsepe. Natigilan ako ng makita ang kasuotan nito. Itim ang kulay ng kanyang tuksedo na pinarisan niya ng pulang panloob. Bumalik ang tingin ko sa kanyang mukha, kahit masungit ay gwapo pa rin.

"Akala ko ay patay ka na kaya hindi ka sumagot."

"May galit ka ba sa akin Kamahalan?" naniningkit ang mga mata ko. Malay ko may galit pala itong Prinsepe na ito sa akin kaya ganyan siya makapagsalita. Kaarawan ko tapos patay ang maririnig ko sa kanya. Walang hiya.

"Tss. Tara na."

Nauna siyang maglakad at sumunod ako. Matapos ang pag-iikot namin sa buong palasyo ay natulugan ako sa kwarto at paggising ko ay malapit na ang hapunan kaya madali ako sa pag-asikaso.

Pagliko namin sa ikatlong pasilyo ay bumungad sa amin ang malawak na silid kainan. Sa itaas na bahagi ay naroon ang eleganteng aranya na nagbibigay liwanag sa silid.

Sa gitna ay ang malawak na mesa na punong puno ng iba't ibang pagkain. Bigla akong nahiya na mukhang kaming dalawa na lamang ang hinihintay kaya paglapit namin ay nagpaumanhin ako.

"Wala iyon iha. Maupo ka." ngumiti ako at tumango sa Mahal na Hari. Ngumiti naman ito pabalik sa akin.

"Salamat po."

Sa katabing upuan ni Prinsepe Alixid ako naupo. Sa tabi niya ang kanyang ina na nakangiti sa akin, sa dulo ay naroon ang Mahal na Hari at sa kabila nitong gilid ay naroon si Prinsepe Acnus. Itim din ang tuxedo nito at asul naman ang panloob. Ang gwapo niya talaga. Kung meron lang talaga akong kamera ay kinuhaan ko na siya.

Bago siya mag-angat ng tingin ay nilihis ko na ang paningin sa kanyang katabi. Nginitian ako ng dalawang inaanyayahan rin. Sina Zack at Nathe.

"Maligayang kaarawan Flaire, iha. Napakaganda mo ngayon at bagay na bagay sa iyo ang iyong kasuotan." lumawak ang ngiti ko sa sinabi ng mahal na reyna.

"Maraming salamat po Mahal na Reyna. Kayo rin po ay napakaganda. At mas lalong umangat ang inyong kagandahan sa inyong kasuotan." natawa ito habang naglalagay sa plato ng pagkain.

Bumaling ako sa Mahal na Hari na nakangiting nakatingin sa asawa.

"Maraming salamat po sa pag-anyaya sa akin. Isa pong karangalan ang makasabay kayo sa hapunan. Hindi ko po inaasahan na makakasalo kayo sa aking kaarawan."

"Walang anuman iha. Magpatuloy na tayo sa pagkain." nakangiti akong tumango ganun din ang iba.

Unang beses itong nangyari sa tanang buhay ko at hindi ko ito malilimutan. Ang makasama sa isang hapagkainan ang Royal Family ay isang pangarap na natupad.

Scarlet PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon