[ FLAIRE ]
Bago simulan ang inaabangan mga paligsahan ay nagkaroon muna ng mga presentasyon ng sayaw mula sa angkan ng lila at awit naman sa angkan ng asul. Matapos ay iniayos ang malawak na espasyo para sa unang paligsahan, ang Pagpana.
Sa gitna ay may anim na nakahilirang mesa. Bawat mesa ay may limang palaso at isang pana. May bandera din ng bawat angkan. Sa tapat nito ang mga tablang hugis bilog na nakasabit sa kahoy. Meron itong mga bilog na guhit mula sa malaki hanggang maliit at sa gitna ay ang maliit na pulang bilog. Sa bawat pagitan ng mga bilog ay may katumbas na numero, 10 sa pinakamaliit at 1 naman sa pinakamalaki.
"Magsihanda na ang mga kinatawan sa bawat angkan."
Pagdating sa nakatalaga sa aming mesa ay nakapila pa rin kaming lahat. Sa pinakadulo pa rin ako at wala naman akong reklamo. Ang nasa unahan ay pumwesto sa harap ng mesa samantalang kami naman na sumusunod ay umupo sa nakahilirang upuan.
"Kung anong gusto namin, sundin mo lang para walang gulo."
Yan ang laging paalala nila sa akin mula kanina pa. Di rin ako nagrereklamo at tinataasan lamang sila ng kilay.
Sa unahin namin ay may talaan ng puntos na kitang-kita ng lahat. Sa bawat angkan ay may nakalagay pang 0 na puntos. Sa taas naman nakalagay ang pamagat ng paligsahan.
Nakahanda na sila sa pagpana at naghihintay na lamang ng hudyat ng tagapagsalita. Umikot at ang paningin ko sa mga unang titira at halos lahat sila ay hindi ko makitaan ng panginginig man lang. Mukhang sanay na.
Pagtunog ng bandana ang siya ring pagbitaw nila sa palaso. Pagbaba nila ng pana ay umangat agad ang tingin namin sa talaan ng puntos.
Talaan ng Puntos (Unang Bahagi)
Asul - 10
Pula - 10
Lila - 10
Dilaw - 9
Kahel - 8
Berde - 9Napataas ang isang kilay ko sa puntos namin. Nang humarap sa amin ang unang tumira sa angkan ko. Sinalubong ko ang tingin niya at tiningnan ng nakakaasar. Inikutan niya lang ako ng mata at umupo sa inupuan ng tumayong susunod.
Talaan ng Puntos (Ikalawang Bahagi)
Asul - 20
Pula - 19
Lila - 20
Dilaw - 19
Kahel - 17
Berde - 18Nagmintis pa. Sayang ang isang puntos. Kailangan sa susunod ay ayusin para di kami mahuli sa asul at lila. Tumayo yung ikatlo at naghanda. Pagtunog ng bandana ay tumira sila ng sabay sabay.
Talaan ng Puntos (Ikatlong Bahagi)
Asul - 30
Pula - 28
Lila - 29
Dilaw - 29
Kahel - 27
Berde - 27Pagkatapos ay tumayo yung nasa tabi ko at bago lumakad ay binangga pa ang upuan ko. Natawa ako ng marinig ang daing niya habang papunta sa mesa namin para maghanda. Karma.
Iniwas ko ang tingin sa kaniya at napatingin sa gilid ko na ikinagulat kong nakasalubong ko ng tingin si Prinsipe Alixid. Seryoso ang tingin nito sa akin kaya napataas ako ng kilay. Problema nito?
Crush mo ako bhie?
Bumalik ang tingin ko sa harap ng marinig ang bandana at maya maya'y paglabas ng puntos. Agad akong napangiwi sa resulta sa amin.
Talaan ng Puntos (Ikaapat na Bahagi)
Asul - 39
Pula - 36
Lila - 38
Dilaw - 37
Kahel - 36
Berde - 36
BINABASA MO ANG
Scarlet Princess
FantasyUpang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalagang babala; 'Ang huwag saktan ang tinatawag nilang Scarlet Princess.' *** Highest Rank in Fantasy • Rank #3 (01-27-22) • Rank #5 (03-03-21) A...