Kabanata 11

5.4K 313 35
                                    

[FLAIRE]


Nakatitig lang ako sa kanya at tinitingnan kung binibiro lang ba niya ako o totoo ang sinabi niyang pinarusahan ang dalawa.

"Bakit ikaw hindi nasama? Diba tumakas ka rin?"

Matapos ang paglilinis niya ay may binuhos siyang likido at maya maya'y nawala ang sugat at wala na ang bakas nito.

"Kasama ka rin kaya" naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Kasama nga ako pero yung tanong ko di niya sinagot!

"Kamahalan!"

"Sinisigawan mo ba ako?" napatikom ako ng bibig at inirapan siya. Umalis siya at pumasok sa banyo upang ibalik ang gamit panggamot. Pagkabalik niya ay dumiretso naman siya sa pang-isahang sofa at pumikit. Di ko siya maintindihan.

"Kamahalan, pwede na ba akong umalis?" Sambit ko na nagpamulat sa kanya. Tutal ay wala naman syang balak sagutin ang tanong ko ay bukas ko na lang kokomprontahin ang dalawa kung totoo nga at kung bakit hindi nasama ang prinsepeng ito sa parusa kahit na hindi rin ito ligtas sa mga batas ng paaralan - sa pagkakaalam ko.

"Walang pumipigil sayo" aniya at tumayo saka lumipat sa kanyang kama. Napatayo naman ako at tiningnan siya ng masama.

"Maraming salamat Prinsepe ALIXID. Napakabait mo po TALAGA at nag-abala ka pang gamutin ang sugat ko. Hindi ko makakalimutan---"

"Walang anuman, maari ka nang umalis." Tinalikuran niya ako.

Bastos na Prinsepe! Nagsasalita pa ako ah!

Tinalikuran ko siya at agad na pumunta sa pintuan. Pagkalabas ko ay padabog kong isinara ang pinto.

"Kung alis lang, alis lang walang siraan ng pinto!" Sigaw nito mula sa loob kaya hindi ko napigilan ang matawa.

Kinaumagahan ay agad akong naligo at isinuot ang aking uniporme. Balak ko sanang kumain na lang sa Silid Kainan sa kabilang Parte pero inanyayahan ako ng Mahal na Reyna sumabay sa kanila sa umagahan. Tulad ng inaasahan ko ay naroon na sila at ang dalawang Prinsepe.

Pansin ko rin na wala na ang sugat ni Prinsepe Acnus at nang magawi sa akin ang tingin niya ay binati niya ako sa pinakaita kong kahusayan sa labanan. At siyempre kinilig ako pero di ko pinakita. Pagkatapos nun ay agad kong binalingan ang ikalawang prinsepe at nginisihan siya. Nagsasabi ako ng totoo na nasugatan ko ang unang prinsepe. Inirapan niya lang ako pero ngumisi lang ako. Nauna rin akong umalis at siyempre kinikilig ang lola, nakasabay ko lang naman si Prinsepe Acnus paglabas.

"May parusa ka pa diba, bakit ka nandito?" salubong sa akin ng kaklase kong isa sa mga tsismosang nanood sa akin kahapon.

Kinikilig pa naman ako. Para akong lutang sa nangyari kanina pero isang salita lang ng papansing ito para akong nahulog mula sa itaas ng mataas at malaking puno at lumagapak sa lupa. Sa madaling sabi, panira siya ng momentum.

"Kung ayaw mo akong makita edi pumikit ka" inikutan ko siya ng mata at umupo sa upuan ko. Sarap niyang sabunutan! Buti na lang mabait ako. Pansin ko rin ang tingin sa akin ng iba at nagtataka talaga kung bakit ako narito.

Inanunsyo siguro ni Ginang Nabella sa kanila ang parusa ko kaya ganyan sila sa akin makatingin. Sa bagay, hindi ko sila masisi. Kahit ako rin. Sa sobra kong wais naisahan ko ang Ginang haha.

Kapalit nang pagpingot niya sa akin ay ang pagtatapos ng parusa ko. Wala naman siyang patunay na ako ang may kagagawan nun sa banga kaya wala syang karapatang pingutin ako. Saka kapag sinumbong ko siya kay Ina at Ama ay paniguradong magagalitan siya. Hindi pa ako napipingot pero palo? Oo, ilang beses na. Maswerte lang ako kapag papaluin ako na nandyan sina lola at lolo kasi natitigil ito. Okay lang daw na masaktan ako nang dahil sa kagagawan ko pero ang masaktan daw ako nang dahil sa iba ay hindi pwedi sa kanila.

Nagtataka nga ako kung bakit ganun sila pagdating sa akin. Para akong babasaging babae na hindi pweding masaktan ng iba kundi mababasag ako. Pero wala naman silang magawa kapag gustuhin ko. Kapag umuuwi akong sugatan o may galos sobra sila kung mag-alala pakiramdam ko gustong-gusto nila akong paluin pero di nila magawa. Tumatawa na lang ako kapag ganun ang nangyayari.

Namimiss ko na tuloy sila. Wala kasi sila ng umalis ako sa bahay para tumungo rito kasi nasa kanilang bahay pahingahan sila sa dulo ng bayan.

"ARAY!" napahawak ako sa noo ko nang may pumitik dito. Napatingin ako sa may-ari ng kamay at nanlaki naman ang mata ko nang makita si Zack na katabi si Nathe.

"Na-miss ko kayo!" napatayo ako at lumaki naman ang ngiti ng dalawa. Inangat ko ang kamay ko at ngumiti akala nila ay yayakapin ko sila pero tag-isang sapok ang iginawad ko sa kanila.

"Si Zack ang pumitik bakit pati ako nadamay?"

"Naparusahan daw kayo?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nathe at sa halip ay tinaasan ko sila ng kilay. Bumusangot ang mukha nila pareho at napatingin sa kakadating lang na dumaan sa tabi nila. Si Prinsepe Alixid.

Mukhang naparusahan nga. Itsura pa lang, busangot na busangot na. Mga gwapo pa rin naman.

"Wag niyo na sagutin. Ito na lang, bakit di nasama si Kamahalan sa inyo?" Binalingan ako ni Nathe na nakakunot ang noo.

"Anong di nasama? Kasama kaya siya iniwan niya lang kami at hinayaan sa tambak na mga aklat sa Silid Aklatan." Anya at binalingan ulit ang nakaupong prinsepe. Ngumisi naman ito sa kanila at nang mabaling sa akin ang tingin ay tumalim ang tingin niya. Nakangisi kasi ako.

"Sila pala ah...kasama rin pala siya" mas tumalim ang tingin niya sa akin pero ngumisi lang ako at hindi siya pinansin.

"Diba tatlong araw ang parusa mo bakit ka nandito?" hindi na ako magtataka kung pati sila ay alam ang parusa ko kahit di ko sinabi sa kanila.

"Wala na kayo dun" inirapan ko sila at umupo sa upuan ko. Tumagos ang tingin ko sa kanila at nasalubong ko ang tingin nang ilan. Tinaasan ko sila ng kilay at nabaling naman ang tingin ko kay Vesiana Morrel. Ngumisi ito habang naiiling sa akin. Problema niya?

"Umupo na kaya kayo sa upuan niyo. Matuwa na lang kayo na nandito ako." Sabi ko sa dalawa. Umalis naman sila.

Pagpasok ng unang guro namin ay ako agad ang nakita. Naks naman. Isang araw lang ako nawala namiss agad nila ako. Sa sobra yatang pagkamiss sa akin nakalimutang sabihin na may pagsusulit pala kami ngayon.

Kanya-kanyang labas ng papel at panulat ang lahat. Naglabas na rin ako at isinulat ang pangalan sa itaas na bahagi ng papel.

Ipinamahagi naman ng guro ang papel na may mga tanong sa lahat. Nang matapos ay nakatingin lang ako sa lahat nang yumuko sila. Ako na lang ang natirang tuwid pa ang pagkakaupo. Nakakaproud!

Napatingin ako sa mga tanong. Nabulaga yata ako. 'Di bale, dahil binigyan niya ako ng tanong na hindi ko alam, bibigyan ko rin siya ng sagot na hindi niya alam!

Biro lang!

Sinimulan kong magsulat ng sagot sa unang numero pero isang papel ang lumanding sa harap ko. Kumunot ang noo ko kaya nag-angat ako ng tingin pero wala naman akong nakitang kahina-hinala. Binalingan ko ang papel at binuklat ito mula sa pagkakatupi.

Kunting titig na lang muntik na kayong magkapalit ng mukha ng papel.

Nagunot ang noo ko. At dumako ang tingin ko sa baba. Hindi ko mapigilang manlaki ang mga mata. Sagot to ah! Kahit di ko alam ang sagot sa mga tanong pero sigurado akong sagot ito dahil sa numerong nasa gilid ng bawat sagot.

Bumaba ang tingin ko nang may napansin.

Hindi ako tumatanggap ng nakakatuyang salamat.

-Alixid.

***
-btgkoorin-

Scarlet PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon