[FLAIRE]
"Hinahamon kita sa isang laban. Tinatanggap mo ba?"Hindi agad ako nakasagot. Isa sa mga dahilan kung bakit wala pa siyang tagapagbantay ay dahil sa magaling siya sa pakikipaglaban at kaya niyang protektahan ang sarili niya. Pero alam kong binabantayan rin siya nila ate Fanria at kuya Francis.
Magaling siya sa espada pero hindi laban sa espada ang gusto ko kundi laban sa pagitan ng mga apoy namin. Gusto kong makitang maglaban ang pulang apoy at asul na apoy. Pero ang pagkakataong ito na makalaban siya sa espadahan ay hindi ko mapapalagpas.
Ngumiti ako at itinapat ang hawak kong espada sa kanya.
"Tinatanggap ko Kamahalan." nawala ang ngiti ko sa labi at seryosong tiningnan siya.
"Kapag natalo mo ako ay gagawin ko kung anong gusto mong ipagawa sa akin." Tumango ako at naghintay pa ng sasabihin niya pero tumalikod na siya at pumunta sa gitna ng silid.
Ano kaya ang kapalit kapag natalo niya ako?
Hindi yata ako mapalagay. Gusto ko siyang taluhin para matupad niya ang sinabi niyang gagawin niya ang gusto ko. Isa lang naman ang gusto ko, ang makasama siya sa Fireland ng kami lang dalawa hehe.
Tumapat ako sa kanya at inihanda ang espada. Iwinasiwas niya muna ang espada bago itapat ito sa akin. Sinagi ko ito ng espadang hawak ko at dun nagsimula ang laban namin.
Sinugod ko siya at mabilis na itinutok ang espada sa tiyan niya pero mabilis niya itong sinangga ng espada at pinataas. Napaatras naman kami pareho sa lakas na ginamit namin. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang sumugod at bago niya ako matamaan ay sinangga ko mula sa kanan ang espada at muntik na niya itong mabitawan.
Lumipat ang espada niya sa kaliwang kamay at sabay kaming sumugod. Nagkasangga ang mga espada namin. Umabante ako at tinapatan ang lakas niya. Napwersa ang dalawang espada pababa hanggang sa magkahiwalay at ginawa ko yung pagkakataon upang masugatan siya sa braso. Niliko ko ang espada at mabilis na dumaan sa gilid niya. Pero sa hindi ko inaasahan ay mabilis niyang nasangga ang espada at dumulas ang kanya sa kaliwang braso ko.
Pagkahiwalay ay agad kong hinawakan ang dumudugo kong sugat. Tiningnan ko siya at tulad ko ay seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.
Sumugod ako at mabilis na iwinasiwas ang espada sa kanya kaya napaatras siya. Sinabayan niya ang bilis ko sa pagsugod at bawat pagtama ng espada ay lumilikha ito ng kalansing.
Kailangan ko siyang masugatan para maging patas ang laban. Patuloy ang pagsangga niya sa atake ko kaya nagkaroon ng butas na pwedi ko siyang atakehin gamit ang paa ko. Kasabay ng pagtaas ng espada ay ang pagsipa ko sa sikmura niya at pagsugat ko sa kaliwang braso niya.
Lumayo ako at napahawak ang parehong kamay sa hawakan ng espada. Hindi niya yata akalaing gagamitin ko ang paa sa atake.
Umayos siya ng pagkakatayo at inihanda ang espada. Sabay kaming sumugod sa isa't isa at parehas sinasangga ang bawat atake. Pagsangga ko ay dumulas ang espada ko at muntik na akong matamaan sa pisnge kung hindi man lang ako nakaiwas at nakalayo sa kanya.
Napadaing ako ng sumakit bigla ang sugat. Nang mapansin ang pagsugod niya ay agad kong isinangga ang espada at tinulak yun papunta sa kanya. Pero dahil sa nanghina ang isa kong kamay ay napaatras ako habang nilalabanan ang lakas niya.
BINABASA MO ANG
Scarlet Princess
FantasyUpang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalagang babala; 'Ang huwag saktan ang tinatawag nilang Scarlet Princess.' *** Highest Rank in Fantasy • Rank #3 (01-27-22) • Rank #5 (03-03-21) A...