PROLOGUE

4.1K 81 6
                                    

“ANO ba ang gagawin natin dito?” tanong niya sa kaibigan niya. Kabababa nila sa jeep. Nasa harap sila ngayon ng Quiapo Church.

“Magsisimba muna tapos magpapahula. Di ba sinabi ko na sa'yo?”

“Naniniwala ka talaga sa hula? Dito pa sa Quiapo, e alam mo namang negosyo na ng mga tao yan dito e.”

“Malay mo naman, di ba? Wala namang masama kapag sinubukan natin.” Determinado talaga ang kaibigan niya-- mukhang hindi paaawat kahit harangan ng sibat!

“Bakit ba gusto mong malaman ang kapalaran mo? Di ba mas mabuting may suspense?”

“Katuwaan lang naman e. Pag nagkatotoo, bumalik tayo dito.”

Napabuntong-hininga na lang siya. May choice pa ba siya e andun na sila? Pumasok muna sila sa simbahan saka nagdasal. After fifteen minutes ay lumabas din sila at naglakad-lakad. Pumili ng mas kapani-paniwalang manghuhula.

“Mukhang taga-perya,” bulong niya sa kaibigan. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng naka-turban ng bulaklakin. “Hindi man lang nag-effort na maging kakaiba.”

“Shhh!” saway sa kanya ng kaibigan. “Andami mong napapansin. Susubukan lang naman natin e.”

Agad na umupo ang kaibigan niya. Siya ay nanatiling nakatayo sa likod nito.

“Hindi naniniwala sa hula ang kaibigan mo,” bungad ng babaeng naka-turban. Automatic na tumaas ang kilay niya.

“Naku, hindi po. Pareho ho kaming believer!” mabilis na sagot ng kaibigan niya. Hinila siya nito at pinaupo. Nagshare sila sa kakapirasong bangko sa harap ng manghuhula.

Naglabas ng baraha ang manghuhula. Ilang beses niya itong pinaghalu-halo at pinagpalit-palit. Saka pina-cut sa kaibigan niya. Nanatili siyang nakamasid.

“Alam mo, pareho naman kayong magtatagumpay ng kaibigan mo. Magaling kayo.”

“Makakatapos ho ba kami ng pag-aaral?” tanong ng kaibigan niya.

“Oo. Maganda ang magiging mga trabaho ninyo.”

“E lovelife ho?” Na-excite ang kaibigan niya. “Mag-aasawa ho ba ako agad?”

“Matagal ka pa bago mag-asawa. Magpapakasawa ka pa sa pagka-dalaga.”

“Ay ganun?” Halatang disappointed ang kaibigan niya. Gusto niyang matawa. “Wala ho bang manliligaw sa akin?”

Hindi sumagot ang manghuhula. Hawak na uli nito ang baraha. Binalingan siya ng kaibigan.

“Mag-cut ka rin ng baraha para malaman natin ang lovelife mo! Bilis!”

Napilitan siyang mag-cut ng baraha. Ilang sandali ring natahimik ang manghuhula.

“Magiging kumplikado ang lovelife mo. Marami kang pagdadaanan.”

“Bakit ho?” Naintriga siya. Nakaka-tense ang salitang 'kumplikado!'

“Hindi magiging madali ang pagkamit mo ng tunay na pag-ibig. Pero huwag kang bibitaw.”

“Bibitaw po saan?” Sa bangin? Gusto niyang matawa. Lintek kasi ang kaibigan niya, masasabunutan talaga niya ito.

“Basta hintayin mo lang. Darating din ang tunay mong pag-ibig. Huwag kang magmadali,” makahulugang wika ng manghuhula.

Shet. Ang suspense. Napalunok siya.

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon