“WALA na kami ni Miguel, matagal na.” Nakita ni Trisha na nagulat si Denver sa sinabi niya. Tinanong kasi siya ng lalake kung kumusta ang lovelife niya at kung kelan sila magpapakasal ng dating nobyo.
“Kelan pa?”
“Bago ka pa umalis para magtraining sa Qatar Airways.”
“Nung kelan pa yun ah. Two years na ako sa trabaho ko.”
“Remember mo nung nawala ako ng mahigit isang buwan?” Tumango si Denver. “That was the time na nagbreak kami. Umalis ako. In a way, para na ring nagtago from him. I needed a break from everything.”
“Yung hindi ka macontact ng lahat,” paalala ng lalake sa kanya. Si Trisha naman ang tumango. “Nagkausap lang tayo nung araw na paalis ako papuntang Doha.”
“Yeah....”
“Bakit hindi mo agad sinabi noon?”
“It wasn't the right time. Saka busy ka din.”
“Sana sinabi mo pa rin. Kahit sa email nalang sana.”
Wala siyang maisagot. Bakit nga ba hindi niya naikuwento kay Denver ang lahat? She had all the time in the world- ano ang nagpigil sa kanya?
“Hindi ko talaga alam kung bakit di ko nasabi sayo. Siguro kasi ang layo mo naman. Saka naging busy din ako.”
“Well, tapos na yun. Hindi na natin maibabalik ang panahon.”
“Oo nga.” Nakita ni Trisha na may tiningnan sa cellphone si Denver- mukhang message dahil binasa muna niya yun. “Kailangan mo nang umalis?”
“May thirty minutes pa naman ako. Nasaan ang sundo mo? Gusto mong tawagan ko?”
“Hindi na, nagsend na ng text sa akin kasi alam naman nilang naka-roaming ako. Papunta na daw dito. Sinabi ko na rin kung nasaan ako.”
Nakita ni Trisha na may gusto sanang sabihin si Denver pero hindi nito itinuloy. Nakatingin lang ito sa kanya.
“May dumi ba sa mukha ko?” biro niya sa lalake.
“Wala. May naisip lang ako.”
“Ano yun? Share mo naman.”
“Well... hindi lang ako makapaniwala na nandito ka. Na nandito tayo. I've always dreamed na nasa ibang bansa tayo. But I never expected na mangyayari talaga kasi...”
“Kasi ano?”
“Kasi noon... parang hindi na talaga mangyayari. You were always busy. Ang hirap mong imbitahin... basta, mahirap abutin. Tapos may boyfriend ka pa.”
BINABASA MO ANG
Journey of Love
Chick-LitSaang kontinente ba nagtatago si Sparks? Baka naman nasa tabi-tabi lang siya, di mo lang napapansin….