LIFESTYLE and Entertainment writer si Trisha sa isang major newspaper. Ordinaryo na sa kanya ang um-attend ng mga press conferences, events, special movie screenings, fashion shows at kung anu-ano pang activities na related sa entertainment at high society. Marami siyang nakikilalang tao- mga celebrities, socialites, models, designers, photographers at mga taong involved sa makinang na mundong ginagalawan niya.
Dahil may column siya sa diyaryo, marami ang lumalapit sa kanya- karamihan ay gusto ang exposure o kaya ay publicity. Noong una ay tila naaaliw pa si Trisha dahil popular siya- iba't ibang PR firms ang tumatawag sa kanya para imbitahan siya. They dine at the best hotels and restaurants. Madaming nagreregalo sa kanya ng kung anu-ano... perfumes, bags, shoes, gadgets, VIP tickets, etc. Tuwing may lalabas na bagong line of clothes, accessories or kung anumang usong produkto-- pinapadalhan agad siya.
Pero sa pagdaan ng mga buwan at mga taon ay natuto na rin siyang kumilatis ng mga tao. Mayroong friendly lang talaga, may mga kapwa niyang nasa media na nakikipagkaibigan sa kanya, may mga celebrities na natural ang charm- pero may mga taong pakiramdam niya ay masusunog siya dahil may mga personal itong motibo. Mga gustong maki-ride on sa media, yun ang lagi niyang naiisip- kaya naman maingat siya sa pakikipagsalamuha. Pati sa pagbibigay ng kanyang calling card at contact number ay maingat din siya. Mayroon kasing harapan kung humingi ng pabor sa kanya- gustong sumikat, gustong mag-artista. May mga nagkukunwari pang manliligaw pero iisa lang din ang pakay- her media connections. Maraming gusto ng free publicity.
“HINDI kaya nagiging paranoid ka na?” tanong ni Christine sa kanya one day. “Lahat na lang pinagdududahan mo na may vested interest.”
Best friend niya ang babae at isa itong dentista. Magkaklase sila mula elementary hanggang high school- sa college lang sila nagkahiwalay dahil sa CEU nag-aral si Christine samantalang sa UP Manila siya kumuha ng Development Studies. Gayun pa man ay magkalapit pa rin sila kaya't regular pa rin silang nagkikita hangga't sa makatapos. Noon pa man ay alam na ni Trisha na nasa pagsusulat ang puso niya kaya't imbes na pumasok sa mga sikat na research companies ay sa publication niya piniling mag-apply.
Ang unang naging trabaho niya ay ang pagiging editorial assistant sa isang monthly magazine kung saan two years din siyang namalagi. Ikalawang trabaho niya ang newspaper at four years na din siya.
Kapag sabado ay nagkikita sila ni Christine- katulad ng araw na iyun. Kaka-break lang ng babae sa boyfriend nitong duktor kaya't gusto niyang damayan ang kaibigan. Pero imbes na siya ang makinig ay siya ang nagkuwento tungkol sa mga nakikilala niya sa mga events.
“Hindi naman ako paranoid. Gusto ko lang maging alert.”
“May napatunayan ka na ba na ginagamit ka lang? Wala ka naman yatang naikuwento sa akin,” ani Christine in between her cheese cake.
“Siyempre naman. Yung si Rico- in-approach pa ako at binigyan ng calling card niya at mga gift certificates- yun pala kapag nakatalikod ako, kung anu-ano ang sinasabi! Gustong magkaroon ng mga publicity at my expense- mabuti sana kung kaibigan ko siya. What a user!” himutok ni Trisha. “Saka yung nagpadala sa akin ng mga bulaklak at chocolates sa office, natatandaan mo yun?”
“Sino? Yung Paul? Di ba artista yun?”
BINABASA MO ANG
Journey of Love
ChickLitSaang kontinente ba nagtatago si Sparks? Baka naman nasa tabi-tabi lang siya, di mo lang napapansin….