CHAPTER TWO

1.5K 62 5
                                    

 

“PUWEDENG humingi ng calling card?” Tila nahihiyang tanong ni Denver. Tapos na ang special screening at naglalakad na sila palabas ng sinehan. Nakabuntot sa kanila si Larion na may kausap na naman. Hindi tumitigil ang bading na talent agent sa kakachika!

Ayaw sana niyang bigyan ng calling card ang lalake, pero agad na lumambot ang puso niya nang makita niyang tila nagmamakaawa ito- with pleading eyes pa! At maamo ang mukha!

“Ilang taon ka na ba?” Bigla niyang naitanong sa kaharap. “Saan ka nag-aaral?”

“Twenty one years old na ako, malapit nang maging twenty two. Graduate na ako ng Nursing, last year lang.

Bata pa rin, naisip ni Trisha. Almost five years ang gap namin? Hindi niya maintindihan kung bakit naikumpara niya ang edad ng lalake sa edad niya!

“Graduate ka naman pala ng Nursing, e bakit sama ka ng sama kay Larion? Isasali ka lang niyan sa model search.”

“Sa tingin mo, may pag-asa ako?”

“Na manalo? Saang talent search ka na ba niya dinala?”

“Hindi. Tinatanong ko kung may pag-asa ako na mabigyan mo ng calling card. Iniba mo na kasi ang topic e,” nakangising wika ni Denver.

In fairness ay natawa siya sa hirit ng lalake, kaya napilitan siyang mag-abot ng card.

“Pero huwag mong iwawala yan ha? Baka mamaya nakapaskel na pala yan sa bus! O kaya sa CR ng sinehan!”

“Ang cheap naman nun....” walang bakas ng hinanakit sa mukha ng lalake kahit binabara siya ng dalaga. Nakuha pa rin nitong ngumiti. “May Facebook ka ba?”

“Meron pero hindi ko masyadong nabubuksan. Busy kasi ako.”

“Okay lang. Add kita ha?”

“Sige na. Nagmamadali pa ako e. Pakisabi nalang kay Larion na nauna na ako.”

“Bye Miss Writer!” Kumindat pa si Denver kaya lalo siyang nagmadaling makalayo doon.

KAPAPASOK pa lang niya sa loob ng townhouse nang tumunog ang cellphone niya. Binasa niya ang message.

Nice meeting you. This is my number. - Denver

Napangiti ang dalaga. Ang kulit ng bagets!

“Maganda ba ang movie?”

Napaigtad siya nang biglang magsalita si Miguel. Ni hindi niya namalayang nandun pala ang lalake.

Magkatabi lang ang townhouse nila. Matagal na nga siyang niyayaya ni Miguel na lumipat nalang siya sa unit nito pero ayaw niya. Gusto pa rin niya ng privacy. Anytime naman ay puwede silang magkita dahil pareho silang may susi sa kani-kanilang unit.

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon