HINDI namalayan ni Trisha ang mabilis na paglipas ng oras sa London. Araw-araw kasi silang lumalabas ng host family niya roon saka ng mga bagong kaibigan na nakilala niya sa Filipino community. Ipinapasyal siya ng mga iyun, laging tini-treat kung saan-saan. Kaya naman nagulat na lamang siya na naka-dalawang linggo na pala siya roon. At ni anino ni Denver ay hindi niya naramdaman. Ni hindi man lang nagawang tumawag sa kanya ng lalake.
Engaged na siya, she keeps reminding herself kahit parang ang hirap tanggapin. Kung kelan naman kasi niya narealize na gusto niya si Denver, saka naman ito hindi na available.
The irony of life, naisip niya habang nakatingin sa Big Ben at The Eye ng London. Nasa loob siya ng sasakyan ni Christine- papunta silang East Ham para um-attend ng isang dinner. Ilang araw na lang at babalik na siya ng Pilipinas.
"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Christine sa kanya habang nagda-drive ito.
"Oo naman. Ibang experience e. Nakakatuwa na madami pala akong readers. Nakaka-inspire."
"Yung friend mo na pinakilala sa akin nung dumating ka... yung flight attendant? Hindi na kayo nagkita?" Umiling si Trisha. "Sayang naman no. Sana naipasyal ka din niya. Busy din kasi siguro."
Tumango nalang ang dalaga. Hindi na siya nag-comment pa. Naisip kasi niya na kahit gaano ka-busy si Denver, kung gusto talaga siya nitong makasama, gagawa at gagawa ito ng paraan. But apparently, hindi na siya ganun ka-importante sa lalake.
Tanggapin na lang at mag-move on na, utos ni Trisha sa sarili. Marami na din naman siyang nalampasan sa buhay- lovelife pa kaya?
ON the day of her flight ay parang nakiramay sa kanya ang panahon sa London. Gloomy ang paligid at malamig. Lalo tuloy nadagdagan ang lungkot niya.
Ano ba naman 'to, uuwi na lang ako't lahat- may ganito pa.
Sa loob ng Heathrow Airport ay binagalan niya ang paglalakad patungo sa boarding area. She passed by the small coffee shop kung saan sila umupo at nag-usap ni Denver. Parang kinurot ang puso ni Trisha dahil dun din sa lugar na yun natuklasan niyang engaged na ang lalake.
May isang oras pa siyang nakaupo at naghintay ng flight niya. The whole time ay inisip niyang baka tawagan siya ni Denver- or baka nasa airport lang din ang lalake kaya halos yakapin na niya ang kanyang cellphone. She didn't want to miss any call or text.
Pero hanggang sa makapasok na siya ng eroplano ng Cathay Pacific at makaupo na ay walang Denver na tumawag o nagtext man lang. Nang sabihin sa kanya ng flight attendant na i-off na ang cellphone at itago ay nangilid ang luha niya.
She felt like it was really goodbye.
NAKATAYO si Trisha sa terrace ng kanyang condo unit habang nakatingin sa kabuuan ng Makati City. Ilang araw na siyang nakabalik sa Pilipinas. Iniisip niyang muling magtungo sa Sagada sa weekend para doon magsulat.
Sang-ayon din naman si Lucielle as long as maipadala niya ang kanyang manuscript, okay lang kahit umano sa Caribbean pa ito magbakasyon. Pero pinigilan siya ni Christine.
"Paano yan, tuwing nasasaktan ka, magha-hibernate ka nalang? You can't always run away from your problems you know," sermon sa kanya ng babae sa telepono. Alam na kasi ni Christine na engaged na si Denver at nasaktan siya.
"I am not running away from Denver, malayo naman siya in the first place."
"May binanggit ba akong pangalan? Ang sabi ko lang, you can't always run away from your problems," papilosopong wika ni Christine. "Go back to the dating game, girl. Meet new people. Hindi naman puwedeng ibuhos mo nalang lahat ng panahon mo sa pagsusulat."
"Ayan ka na naman e! May irereto ka na naman!" Naalala ni Trisha nang huli siyang i-set up ni Christine sa isang blind date. Na-bored siya sa ipinakilala nitong duktor.
"Wala akong nirereto!" mabilis na tanggi ng babae. "Well, yung isang ka-batch ko, si Raz? Remember him, yung taga-Valle Verde na pinuntahan natin dati? Wala na sila ng asawa niya. Annulled na ang kasal nila kaya single na siya."
"Ano naman ang kinalaman ko kung single yun?" natatawang wika ni Trisha. "Di ko type yun kasi laging signal number 3. Saksakan ng hangin!'
"Well, kung ayaw mo sa kanya, marami pa naman diyan. Basta my point is- wag kang magtago sa bundok. Makihalubilo ka pa rin. Sumama ka sa mga pinupuntahan ko."
Hindi na siya nakipagtalo pa sa kaibigan. May point din naman ito. Paano niya makakalimutan si Denver kung hindi siya makikipagkilala sa ibang tao?
Naputol ang pagmumuni-muni ni Trisha nang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot yun. Si Lucielle ang nasa kabilang linya at pinapupunta siya sa office.
"Ngayon? Bakit daw?" Gusto daw makausap ng publisher si Trisha. Nagtaka siya kasi alam niyang napaka-busy ng publisher nila!
"Ewan ko. Basta pumunta ka nalang. Can you make it in two hours?"
"Sige. Maliligo lang ako." Yun lang at nawala na sa kabilang linya si Lucielle.
PAGDATING ni Trisha sa office ng publication ay agad siyang binati ng guard.
"Congratulations mam."
"Bakit?" tanong niya.
"Ay, wala po. Basta."
Na-excite ang dalaga. Malamang na may magandang balita sa kanya ang publisher niya tungkol sa kanyang libro! Pagpasok niya sa working area ay agad siyang binati ng mga ngiti at kaway ng mga kasama. Lalo tuloy siyang naintriga. Binilisan pa ni Trisha ang mga hakbang. Kumatok siya sa pinto ng publisher.
Nang buksan niya ang pinto ay daig pa niya ang nakakita ng multo! Namutla siya. Para tuloy siyang ipinako sa kinatatayuan!
"Hi Trisha!" bati ni Denver sa kanya.
BINABASA MO ANG
Journey of Love
ChickLitSaang kontinente ba nagtatago si Sparks? Baka naman nasa tabi-tabi lang siya, di mo lang napapansin….