CHAPTER NINE

1.1K 63 4
                                    

NAKATINGIN si Trisha sa desk calendar niya. Naisip niyang two years na din pala simula nang lumabas ang kanyang English novel na “One Magical Summer.”

At two years na rin akong walang lovelife, sa loob-loob niya.

Instant hit ang naturang 'chic literature' dahil tinangkilik talaga ng mga babaeng bagets at mga young professionals. Kaya naman naging very busy siya sa kanyang book tour. In fact malapit na ring lumabas ang kasunod niyang nobela. Mas nae-enjoy niya ngayon ang buhay kasi may oras siya para sa sarili at para magrelax, while doing what she loves most- and that is writing.

Sa loob ng dalawang taon ay maraming nagbago sa buhay niya. She now lives in a condo, may column pa rin siya sa newspaper pero once a week na lang yun. Matagal na silang nakapag-usap at nagkaayos ni Miguel. Humingi na ng tawad sa kanya ang lalake and tried to win her back but mas gusto na lang talaga niyang manatili silang magkaibigan.

Wala siyang boyfriend or dini-date pero may social life naman siya. Lumalabas siya with her friends pag weekend, or kapag may nagyaya at puwede siya- usually ay sa coffee shop or restaurant. Paminsan-minsan ay nag-a-out of town pa rin siya to unwind- Boracay, Baguio, Palawan, Misibis Bay... Puerto Galera... Bohol. Masasabi ngang nae-enjoy niya talaga ang kanyang pagiging single.

There are times na naiisip niya si Denver, pero hindi nakakauwi ang lalake. Busy din ito sa pag-iikot sa mundo. From his last email which was five months ago, napag-alaman niyang nasa London ito.

Nasa ganoong pagmumuni-muni pa rin siya nang tumunog ang cellphone niya. Alam niyang si Lucielle ang nasa kabilang linya- ang babae lang naman kasi ang masugid na tumawag sa kanya kahit Sunday.

“Naku girl, guess what?” bungad ni Lucielle kahit hindi pa nakakapag-hello man lang si Trisha.

“Ano yun?” natatawang wika ng dalaga- palibhasa, sanay na siya sa kaibigan.

“I have an amazing surprise for you!” parang titili na sa kabilang linya ang kausap niya kaya naintriga din si Trisha.

“Ano nga?”

“Na-invite ka sa London!” Tuluyan nang napatili si Lucielle.

“London? Bakit daw? Paanong nangyari yun? Anong meron?”

“Apparently, marami ka palang readers doon- lalo na ang mga Pinoy nurses. May isang organization doon na nag-invite para sa gathering nila. Sawa na daw sila sa mga singers and artista. This time, gusto naman nila, writer. Wala nga lang talent fee, pero sagot nila ang pamasahe at tirahan mo doon! Siguro may konting pang-shopping.”

Hindi siya agad nakapagsalita sa narinig. Nananaginip ba siya? Siguro naman hindi siya ginu-good time ni Lucielle- hindi naman mahilig magbiro ang kaibigan niya. Pero bakit siya ang na-invite of all the writers in the Philippines? At bakit sa London?

“Bakit nga ba ako?” hindi niya napigilang tanong.

“Aba, malay ko! Kagabi pa pala natanggap sa office yung email. Mabuti nga nag-overtime ang ibang staff. Sa email address ng publication pinadala- sa akin ifinorward. Nagulat nga rin ako!”

“Totoo ba yan?”

“Siyempre naman no! Kaya nga kita tinawagan agad, kasi alam kong matutuwa ka!”

“As in sure ka talaga?” gustong makasiguro ni Trisha bago tumili. Natawa na lang sa kanya si Lucielle dahil halos sabay pa silang napa-Oh My God!

“Mabuti nalang talaga may distributor na tayo sa Europe- at least lumawak na ang market ng publication. Plus, effective ang online purchasing!”

“Shet. Mga kelan daw ito?”

“In three weeks!” Pagkasabi ni Lucielle ay sabay uli silang napatili ni Trisha.

AGAD tinawagan ni Trisha ang bestfriend niyang si Christine para ibalita ang nalalapit niyang trip sa London. Pati ang dentista ay na-excite para sa kanya.

“Di ba sabi mo doon naka-base ngayon si Denver?” tanong ni Christine sa kabilang linya.

“Yun ang last na information na alam ko.”

Aware kasi si Christine na may kakaiba siyang nararamdaman para kay Denver. Lagi nilang napag-uusapan ang mga 'what-ifs' nila sa buhay. Lagi siyang tinutukso ng babae na si Denver daw ang perfect example ng 'if you love somebody, set him free' niya. Na lagi din niyang sinasagot na it was never love- they just had something special.

“E di puntahan mo siya kung nandun pa siya! See how it goes from there,” susog ni Christine. “Malay mo?”

“Bahala na si Batman.”

“Day, busy si Batman. Ikaw ang dapat na gumawa ng paraan kung gusto mong may mangyari diyan sa buhay mo! You can't always wait for your destiny... sometimes you just have to go after it!”

“Andami mo nang sinabi,” natatawang wika ni Trisha. Although deep inside, alam niyang may point ang kaibigan. “Hayaan mo, gagawin ko yan.”

“That's my girl!”

NASA London pa kaya siya? Puno ng excitement ang dibdib ni Trisha habang nagbubukas ng Facebook. Gusto niyang silipin ang page ni Denver para malaman kung nasaan ito ngayon. Kapag nakita niyang nasa London nga ito, gusto niyang masorpresa ito sa pagdating niya. Pero kung nasa Qatar or nasa ibang bansa- saka nalang niya iisipin kung ano ang next step niya.

Denver is always flying. Yun ang nakalagay sa status ng lalake. Current City: London. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Tiningnan niya ang contact information at naroroon ang phone number nito. Agad niyang kinopya iyun.

Natukso din siyang tingnan ang mga photos ni Denver sa album nito. Iilan lang ang naroroon- nasa sampu lang yata. May mga solo photos sa iba't ibang bansa- may kuha sa Belgium, sa Italy, sa France, sa Germany, sa Austria, sa Spain at ang iba ay sa London na. May ilang group pictures na naroroon- may mga kasamang babae at lalake si Denver- mukhang puro flight attendants din.

Nakaramdam na naman ng kakaibang lungkot si Trisha dahil feeling niya, ang layo-layo na talaga ni Denver. Dati ay para itong anino na sunud ng sunod sa kanya, nangungulit, gusto siyang makasama ng madalas. Laging nag-i-invite ng labas, pero madalas niyang tinatanggihan. Ngayon ay halos hindi na yata siya nito maalala. Ni hindi na nga nakakapag-email.

Nanaig ang pananabik ni Trisha sa lalake. At buo na ang plano niya. Susorpresahin niya si Denver sa London!

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon