CHAPTER SIX

1.2K 66 6
                                    

NAMULA si Trisha-- at nataranta. Pati yata ang kanyang small and large intestines ay naligalig dahil sa sinabing iyun ni Denver. But of course hindi siya nagpahalata. No way!

“Ikaw talaga, andami mong gimik!” Pasimple niyang binawi ang kamay.

“At ikaw naman, kahit kelan, hindi naniniwala,” wika ni Denver na parang biglang nalungkot. “Anyway, pasensiya ka na. Na-miss lang talaga kita.”

Hindi na siya nakasagot. Feeling niya magkakasala siya kapag sabihin niyang na-miss din niya ang lalake.

DINALA siya ni Denver sa isang medyo tagong restaurant sa may Roxas Boulevard. Malapit iyun sa may Central Bank. Maganda ang ambiance, mukhang mamahalin. Naisip niyang nagpapa-impress sa kanya ang lalake.

“Mukhang may malaki kang project ah?” biro niya kay Denver to lighten the mood.

“Project?” Clueless si Denver kaya kumunot ang noo nito. Tinawag nito ang waiter at nag-order muna, bago siya muling binalingan. “Anong project ang ibig mong sabihin?”

“May trabaho ka na? Or raket? Kasi mukhang mahal dito. Baka hindi ko ma-afford kumain dito,” biro uli niya. “Hindi rin ako marunong maghugas ng pinggan, sige ka.”

Natawa si Denver sa sinabi niya. “Grabe ka! May ipon naman ako kahit papano no. Hindi ako maluhong tao. Saka, wala ngang project e. Ayoko naman kasi sa mga ibinibigay sa akin lately.”

“Bakit, bold projects ba?” natatawang tanong niya. Nang tumango si Denver ay lalo siyang napahalakhak. “Bakit ayaw mo? Yan ang uso ah!” tukso pa niya. Pero deep inside ay parang hindi niya ma-imagine ang lalake na magbibilad ng katawan para lang sa trabaho.

“Hindi naman ako desperado no,” ani Denver na para na ring sinagot ang naglalaro sa utak niya. “Saka nag-aral naman ako, siguro naman ay may mahahanap akong trabaho na hindi ako itatakwil sa amin.”

Napangiti siya sa narinig- at natuwa. At least ulirang anak pala ang kausap. She thought he was just another guy na hindi ganun ka-attached sa pamilya. Mas naging interesado siyang magpakuwento kay Denver kahit tila namumula na ito sa hiya.

Dumating ang pagkain nila at in-between meals ay patuloy silang nagkuwentuhan. In fairness ay nag-enjoy siya ng husto sa company ng lalake, kahit mas bata ito sa kanya.

Inihatid siya nito after their dinner. Gusto pa nga sana ni Denver na mag-Starbucks sila kahit hatinggabi na pero nagbeg-off na siya.

“Madami akong deadline. Saka maaga ang press conference na pupuntahan ko bukas. Next time na.”

“Sige na nga. I hope mas mahaba ang oras natin next time.” Mabilis siyang hinalikan sa pisngi ni Denver kaya't di agad siya nakapag-react. “Good night!”

Nakababa na siya ng kotse pero ramdam pa rin niya ang pag-iinit ng pisngi. Ngumiti siya at kumaway sa lalake bago ito tuluyang umalis.

Journey of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon