"It's feel so good to be back"Inikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko. Dito kasi ako natulog kagabi dahil masyadong late na natapos ang party.
Tumango tango pa ako habang tinitignan ang kabuuan nito. This vacation, mas madalas ako rito dahil wala naman classes. Bumalik rin muna dito ang maids pati si Manang Celia.
Malinis ang buong kwarto at wala naman nagbago. Wala naman akong kinuha dito para dalhin doon sa bahay ko. Purple ang theme ng kwarto ko rito while peach naman doon sa bahay ko.
Darvin already told me that we will have a summer vacation at Manampulo. I have never been there but they say it's very pretty island. I'm excited.
Bumaba ako para makapag breakfast, binati ako ng mga maids at bumati naman ako pabalik. Sa Dining na ang diretso ko at naabutan ang mga kapatid ko kasama ang mga asawa at anak nila.Wala si Mommy.
"Good Morning," I greeted them. I gave them a sweet smile and a kiss on their cheeks. Naupo ako doon sa katabi ng pinakabunso kong pamangkin. Si Aerixiah.
Nilagyan ko ng pagkain ang plato ko, kakasimula pa rin lang nila kumain pagkarating ko. Lahat kami tahimik.
"Where's Mom? Aren't she joining us here?" pagfifirst move ko.
"Tulog pa ata" my sister answered. Napatango na lang ako. Ang hirap kausapin ng mga 'to ngayon ah, parang laging serious ang aura.
"Hi Aerixiah. You are so pretty huh. So fresh."
Napalingon sa akin ang pamangkin ko na may nahihiyang tingin. Ngumiti ako ng mas matamis para hindi siya mailang. Among my nieces, she's the most shy. Kahit sa akin.. Sa amin.
She gave me a small shy smile. Everyone was looking at us, especially her mother who's worried. Aware naman kaming lahat na ganito si Aerixiah, mahiyain at hindi sanay makihalubilo sa ibang tao. Honestly, I understand her. Sobrang taas kasi ng expectation sa kanya ni Mom dahil gusto nito i-pursue ng pamangkin ko ang Business.
Well, kaya lang naman ganoon si Mommy ay dahil nakikitaan namin ng potential si Aerixiah sa pag-aartista. Actually, napapansin talaga namin na yon ang gusto niya. 'Tong si Mommy naman, gusto yon pigilan ng maaga so kung ano-ano ang sinasabi niya sa pamangkin ko, ang bata niya pero grabe na yung pressure na nararamdaman niya.
Tahimik lang kaming lahat sa hapag the whole time. Kapag may natatapos ng kumain, aalis na agad. Hanggang iilan na lang kaming matira. Ako, si Ate Astreleigh, Si Aerixiah, at si Crestelline.
"Zerrien, Legal Management ang ite-take mo as Pre-Law?" Ate asked in the middle of the silence.
Napatango naman ako ng walang alinlangan. Sure na 'ko ro'n.
Napatango na man siya at wala na ulit sinabi. Minsan na lang kami magkasama-sama pero ganito pa.
"Ikaw, Crestelline? Ano kukunin mo sa College? Well, matagal pa naman yon pero ngayon, do you have plans na?"
She looked at me with confidence. "I'll take Pol Sci, tita" she happily answered. Nakakahawa ang ngiti niya.
Bumaling ako kay Aerixiah na mas binagalan ang pagkain, nakayuko siya na tila alam nang siya ang susunod. Napabuga ako ng hangin. Naawa ako sa kanya.
"How about you, Aeri? Sa Senior High?" 'yon na lang tinanong ko.
She bit her lower lip and looked at her mother first before looking at me. She smiled a bit and shook her head.
YOU ARE READING
Touch Of Revenge (Familia Del Dolor Series #1)
Novela JuvenilZerrien Gabrella,the most soft-hearted person among the family.She's a future lawyer who's ready to fight for the justice for everyone.But can she fight for herself?Can she give justice for herself?If the person she fights for want her dead? Thank...