"Thank you" sabi ko agad pagdating sa bahay. Ngumiti siya ng tipid pero malalim pa rin ang dimple niya kahit ganoon."Bye, ingat ka" dagdag ko at pumasok na sa bahay. Hindi ko na siya nilingon, pagkapabalik niya sa sasakyan galing sa mall, hindi na siya gaano nag- salita. Baka masyado niyang iniisip yung sinabi ko.
"Hija, nag commute ka?"
Napatigil ako sa pag-akyat ng marinig ang boses ni Manang. Hinarap ko siya at tipid na umiling.
"Ah..sumabay ka sa kaibigan mo?" patungkol niya kay Venixh.Wala rin akong nakukwento sa kanya kaya hindi ko alam kung sasabihin ko. It's not a big deal for me tho.
"Uh.." hindi ko masabi. "Uh, a friend picked me up in school."
"Oh?Kaya nga.. si Venixh."na- guguluhan niya nang sabi. Napabuga ako ng hangin.
"Hindi po. Sinundo po ako ni Darvin"
Nanlaki ang mata niya.Syempre,hindi niya naman kilala yon.Actually wala siyang kilala sa guy friends ko.Pero hindi ko naman friend si Darvin.
Pero sinabi ko kanina na 'a friend picked me up', mali pala ang nasabi ko!Eh kasi naman paano ko siya tatawagin? 'Sinundo ako ng isang kakilala', ganon ba? Parang hindi naman magandang sabihin.
"Boyfriend mo?" Gulat na tanong niya. My eyes widened.
"No. No, Manang. What the" Agad na tanggi ko. Pareho kaming napapabuga ng hangin.
"Manang, hindi po. Hindi ko po siya boyfriend. Anak siya ng kaibigan ni Mommy. Nakasama namin siya sa dinner kagabi" paliwanang ko pa. Nakinig na man at halatang naniniwala.
Kinuwento ko pa sa kanya ang mga nangyari sa dinner. Hindi muna siya nagsalita at nakinig.Nang natapos, doon na niya nilabas ang mga tanong niya.
"Eh baka may gusto sa'yo? May pahatid-sundo pang nalalaman"
Napabuga ako ng hangin. Wala na man sa akin na malisya yon, nilagyan niya lang.
Pagkatapos namin mag-usap ni Manang Celia ay umakyat na ako sa kwarto para magpahinga. Chineck ko muna ang cellphone ko at nakitang may text si Mommy, nandito na pala ang kotse ko. Buti na man.
Nang nasa bathroom na ako ay rinig ko na nagring ang phone ko pero hindi ko muna pinansin at naligo muna ako. Paglabas ko, napakaraming missed call at texts si Venixh. Isa isa ko yung binasa. Actually marami lang siyang text kasi paputol putol siya mag text.
Nireplyan ko siya at sinabing tumawag na siya na agad niya naman ginawa. Bumungad agad sa akin ang malakas niyang boses.
"Ang ingay mo, Venixh" nakanguso ko'ng sabi at nilayo pa ng konti ang phone sa tenga.
"My god. Ang hot ni Davin! Shet" maingay niya pa rin na sabi. Hindi man lang pinansin yung sinabi ko.
My God this girl. Lahat na lang siguro nagugustuhan lalo na pag 'hot' para sa kanya. Yon kasi yung tipo niya.
"Just.. my god! Zerrien! Ang swerte mo!"
Nagtaka naman ako, bakit naman ako swerte? Dahil sinundo ako?
"Bakit naman?" tanong ko. "Bakit ako swerte?"
I heard her laugh, like she can't believe me that I just asked that. Parang ano naman to.
YOU ARE READING
Touch Of Revenge (Familia Del Dolor Series #1)
Fiksi RemajaZerrien Gabrella,the most soft-hearted person among the family.She's a future lawyer who's ready to fight for the justice for everyone.But can she fight for herself?Can she give justice for herself?If the person she fights for want her dead? Thank...