Chapter 08

1 0 0
                                    


"Tara, let's swim."



Kanina pa 'ko inaaya ni Darvin magswimming, sabi ko mamaya na. Gusto rin naman lumangoy pero mas gusto ko rito sa sun lounge at titigan ang nakakabusog na tanawin. I can stay here and watch it all day.



"Tara na," hindi niya ako tinigilan. Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa kanya. I'm wearing a black one piece na may pa-cross sa tagiliran.



"Hala!" napahiyaw ako ng basain niya agad ako, hindi pa nga ako nakakalapit.



Napanguso ako at saka dali daling wisikan siya ng tubig. Para kaming mga bata na naglalaro. Napatingin tuloy sa'min yung ibang tao.



"Ang cute nila, babe."



Natigilan ako at napalingon sa nagsalita. Nasa likod ko siya at nakatingin sa amin. Nang mapansin niya na nakatingin ako, kumaway siya.



"Hello!" I waved my hand too and gave her a smile.



"Ang cute niyo naman mag boyfriend." tuwang-tuwa ang mukha niya.



"Hindi ko po siya boyfriend."



Nagkatinginan kami ni Darvin. Pareho kaming nakikiramdaman. Nagulat yung couple, lalo na yung babae.



"Ay, ganoon ba. Hehe sorry." nahihiya niya nang sambit.



I smiled at her, "It's okay."



Nagswimming na lang ako pagkatapos kausapin yung babae. Hindi naman nagsalita si Darvin at parang malalim ang iniisip. Hindi ko na lang kinibo.



Dala namin ang Camera at pati na rin ang tripod, after namin lumangoy ay gusto niya na naman ako picture-an. Pumayag na lang ako para mas maraming memory dito sa Amanpulo.



"Tayo naman ulit," inayos niya ang camera sa tripod at tumayo. Nakakaisang picture pa lang ata kami nang lumapit yung couple kanina sa amin.



"Hello, gusto niyo kami magpicture sainyo?" the girl offered.



"Sure," sabay naming payag pagkatapos magkatitigan. Mukha naman silang mabait, sa itsura pa lang.



"Okay. Anyway, I'm Soleana, Solly for short. And this is my boyfriend, Owen" nilahad nila ang kamay nila kaya nakipagkamay kami.



"Hello. I'm Zerrien and this is Darvin."



They smiled, "Nice to meet you. Sige, we'll take pictures of you na. You look so good together kasi." she giggled.



We do a lot of poses, hindi naman sila nagrereklamo o ano kaya siguro  maayos rin ang mga pose namin ni Darvin.



"Wow, ang gaganda. Tara, tignan niyo!" mabilis kaming lumapit sa kanila nang sabihin nila 'yon. Inabot nila agad yung camera at namangha kami sa galing ng pagkakakuha nila. Parang naging pictorial 'to ah.



"Ang galing!" puri ko. "Thank you."



"Welcome. You really look good together."



Nagpalitan pa kami ng ngiti at kaway bago sila maglakad papalayo. Nadaanan lang daw nila kami kaya tinulungan nila kami para hindi na daw kami mahirapan. Ilang ulit kaming nagpasalamat sa kanila. 



Hindi kami nagheavy lunch ni Darvin dahil naparami yung kain namin kagabi. Sabi ko pa naman ay ayaw kong tumaba.



Nag sun bathing lang kami pagkahapon, tirik na tirik pa rin kasi ang araw. Nagpalit ako ng bralette na black at white shorts lang, si Darvin na man ay nakaboard short at white shirt lang.



Touch Of Revenge (Familia Del Dolor Series #1)Where stories live. Discover now