"First date natin 'to"Napaalis ako sa pagkakasandal ng bumulong si Davin. Madilim ang buong sinehan at tanging ang malaking screen lang ang liwanag kaya kita ko ang mukha niya, paniguradong kita niya rin ang naging reaksyon ko.
Kumunot kasi ang noo ko. Date na ba 'to? Bakit hindi niya sinabi? Sabi niya lang ay lalabas kami at mag ch-chill pero bakit naging date 'to?
"Date natin 'to?" takang tanong ko. I saw him smiled a little and nodded.
Nasapo ko ang bibig ko, date pala 'to.
Hindi na ako nag-ingay hanggang matapos ang movie. Naghanap kami ng magandang kakainan pero napako na naman ang mata niya sa Jollibee.
Natawa ako ng kaunti dahil doon, ang cute cute niya. Siguro noong bata siya ay lagi siyang kumakain diyan kaya ganiyan niya na lang kapaborito.
"Jollibee tayo, Zerrien" nakangusong aya niya. Mas ngumuso pa siya, nagpapacute.
"Hindi ka ba nagsasawa sa Jollibee? Araw araw tayo kumakain niyan ha?"
Sa araw araw kasi na magkasama kami, lagi kami nag D-drive Thru.Wala na man akong reklamo pero kasi araw-araw na eh.
"Hindi. Lalo na kapag ikaw ang kasama ko" he pouted more. "Jollibee Buddies tayo"
Nanlaki ng kaunti ang mata ko sa huling sinabi niya.Jollibee.. Buddies?
"We are.. what?"
"We are Jollibee Buddies"
I let out a short laugh, this guy never fails to be cute in front of me. Mas matanda siya sa'kin pero parang mas bata ang isip niya.
"Ganyan ka ba talaga?" nakangiting tanong ko, nagtaka naman siya.
"Anong ganyan?"
"Ganyan.. Parang bata"
His eyes widened, "Excuse me! Sa harap mo lang ako ganito ha!" depensa niya agad.
Naniniwala naman ako. Wala naman kasi sa itsura niya na ganyan siya, hindi siya mukhang masungit at medyo mukhang mabait lang.
Pagpasok namin sa Jollibee, siya ang nag-order at naghanap ako ng table para sa amin. We ordered Spicy ChikenJoy, Large Fries, Spaghetti, Ice Cream, and Coke Float. My eyes did really stay at the foods. Pakiramdam ko talaga tumaba na ako, araw araw ba naman kasi kumain ng Jollibee tapos hindi lang isa ang order.
"Let's eat" sabi niya pero hindi ako kumibo.
Ever since I was a kid, hindi na ako marami kumain, ayaw ko'ng tumaba. Pero ngayon ay parang mangyayari na ang kinakatakutan ko.
"What's wrong?"
Malungkot akong nag angat ng tingin sa kanya tapos binalik ulit sa pagkain, "Ayaw ko'ng tumaba"
Napabukas ang bibig niya ng kaunti tapos tumitig rin sa pagkain. Nagtataka nga ako kasi hindi siya tumataba, sigurado naman ako na madalas talaga siyang kumain ng mga 'to.
"It's okay. Maganda ka pa rin naman kahit mapayat ka or what"
Napabuga ako ng hangin at sinimulan na lang kumain. Siguro mag w-work out na lang ako. Kaya siguro hindi tumataba agad dahil nag w-work out siya. Halata na man sa katawan niya, may muscles pero hindi na man super laki, tama rin lang ang laki ng katawan niya.
YOU ARE READING
Touch Of Revenge (Familia Del Dolor Series #1)
Fiksi RemajaZerrien Gabrella,the most soft-hearted person among the family.She's a future lawyer who's ready to fight for the justice for everyone.But can she fight for herself?Can she give justice for herself?If the person she fights for want her dead? Thank...