Yuppie

39 0 0
                                    

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock sa maliit na mesang malapit sa hinihigaan kong kama. Naramdaman ko ring umikot sa pagkakahiga nya ang babaing katabi ko. Inikot ko ang mata ko at halos hindi ko na maalala paano ako napunta sa kwartong ito. Alam ko lang ay naparami ang inom ko kagabi kasama ang mga workmates ko. Hindi ko rin matandaan halos kung sino itong katabi ko at kung may nangyare ba sa amin. Tinignan ko ang aking cellphone. 23 missed calls at 14 texts galing kay Ray. Napabalikwas ako ng tayo sa kama. Nakaligtaan kong may band practice nga pala kame ngayong araw after lunch. Dali-dali akong nagbihis at umalis na ng hindi nagpapaalam sa may-ari ng condo na tinulugan ko.

Sabado ngayon at alas-diyes na ng umaga ng makarating ako ng bahay. Sobrang sakit ng ulo ko sa hang-over kaya nagkape muna ako saglit bago naligo. Tinawagan ko rin si Ray at sinabing nalate lang ako ng gising at darating ako sa practice. Bago ako umalis nasalubong ko si Nay sa pintuan papasok. Galing sya ng palengke at maghahanda na ng aming tanghalian.

"Oh, aalis ka? Anung oras ka ba umuwi? Wala ka sa kwarto mo kaninang umaga?"

"Oo Nay, medyo napasarap lang ang hangout sa kompanya kaya nakitulog kami sa lugar nung isa naming kasamahan." – natutunan ko sa buhay, habang tumatanda tayo, mas nagiging simple na lang satin ang magsinungaling.

"Nako Basty ha. Napapadalas ata yang pag inom-inom mo. Wag kang gumaya dyan sa Ama mong lasinggero. Nako sa dami ng mamanahin ha. E san ka nanaman ba maglalagi? Hindi ba dapat nagpapahinga ka?" – armalite mode nanaman ang bibig ni Nay. Lumalala lalo hangover ko.

"Band practice Nay. Lam mo na. Dagdag ipon na rin. Tsaka malalate na ko ok lang ba mamaya mo na ako sermonan?"

"Hay nako bahala ka. Magtext ka ha kung dito ka maghahapunan para madagdagan ko ang sinaing."

Tumalikod na sya at inayos ang pinamili nya sa kusina. May mga dagdag pa syang litanya kaya sinara ko na ang pinto sa likuran ko para di na humaba pa.

Sumakay na ko ng taxi para mas mabilis na makarating sa studio na pagpapractisan namin. Habang nasa gitna ng traffic, binuksan ko ang mobile data ko para mag-online. Agad-agad na nagtunugan ang notifications ko. Hindi ito galing sa mga primary accounts kundi sa mga ginawa kong accounts sa "dating" apps. Isang buwan nadin simula nang subukan ko ito. Madame akong nakakausap pero halos lahat naman ay panandaliang ligaya lang ang hanap. Nakadalawa o tatlo na atang meet-up at one night stand sa iba-ibang babae na ang nagagawa ko simula nang gamitin ko ang mga apps na to. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anu bang hinahanap ko.

Sex? Comfort? Feeling? Hindi ko talaga alam.

Ang alam ko lang kailangan ko sya gawin. Kahit alam kong hindi ako masaya sa ginagawa ko. Wala rin akong nagiging attachment na nararamdaman sa mga babaing nakakausap ko. Walang koneksiyon. Walang strings attached. Manhid na ata ako. For some reasons, ganun din naman ang mga babaing namemeet ko. Ayaw din ng commitment. No strings attached setup rin. I guess from the perspective of the Law of Attraction, you attract what you think. Kaya kung ang hanap ko yung mga taong naghahanap lang rin ng panandaliang ligaya, yun lang din ang iaabot sayo ni Universe. Okay na rin kesa umibig at masaktan. Maiwan at di bigyan halaga. Ito yata ang dahilan kaya wala na kong nagugustuhan na kahit sino. O baka meron pero inuuna ko agad na umiwas o iwasan dahil sobra nakong pumrotekta sa puso ko. Wala nang mahihita sakin ang tadhana. Hindi na nya ako mapaglalaruan. Sisiguraduhin ko yan. Pati si kupido mauubusan ng pana sakin dahil iiwas ako sa abot ng makakaya ko.

****

Halos kalahating oras rin akong nahuli dahil sa traffic. Tapos na silang mag warm-up nang pumasok ako sa studio.

"Bastyyyyyy!!!!!" - (Matty)

"Late ka bespren sagot mo one-hour dito ha?" - (Ray)

"Oo na sorry na nga. Nalate lang ng gising. Ako na magbabayad nung one-hour naten sa studio sige na sorry na." – deal to ng banda. Basta may malate sagot nya ang isang oras sa magugugol ng practice.

BASTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon