College

62 0 0
                                    

7:15am na.

Makikipagtunggali pa ako sa dalawang istasyon bago makababa sa tren na sinasakyan ko, kumaripas at harapin naman ang pakikipag-agawan ng jeep makarating lang sa unibersidad na pinapasukan ko.

Hayyy!!!

Malupit pa sa milagro ang kailangan dito.

7:30am kase ang unang klase ko

Tss.

Hassle talaga?

Major subject pa naman tong Marketing.

Nako, wag lang talaga akong magkaka - tres sa classcard kundi ligwak ako sa scholarship na kinabibilangan ko.

Hirap naman kase fully loaded ako ngayong taon. 23 Units tapos walong subject!! OA ha. Sophomore pa lang ako para na kong graduating.

Jusko naman.

7:47am nako dumating ng classroom.

Awa ng Diyos, wala pa si Sir Tinsero.

Medyo laging late yun pero on the dot pag magpa-dismiss. Ayos diba? Umupo na ko sa tabi nung isa ko nang naging kabarkada dito sa course ko. Si Corlan. Judo player siya nung highschool, pero varsity na siya ngayon ng swimming dito sa university. Matangkad din si Corlan, moreno, malaki ang katawan at mukhang goons. Deh joke lang.

Pero OO, di siya ka-gwapuhan. Minsan nga biniro ko siya na baka may nagkamali lang ng bigay sakanya ng pangalan pagkapanganak niya at habang nasa ospital siya.

Corlan Mitchell Cruz Vardivas kase ang full name nya. O diba? Lakas maka-pogi. Parang di bagay sa kanya.

Ayun. Madalas nya kong binabalibag pag breaktime. Namimiss na daw nya kase ang Judo.

Business Ad ang course namin at walang-wala yun sa mga hilig naming dalawa. Siya na sobrang sporty at ako na puro music lang.

Kaya siguro kame nagkasundo nito.

Lahat kase ng kaklase namin mga grade-concious eh. Walang inatupag kundi dibdibin lahat ng subject.

Eh ako. Ang inisip ko lang makapasa at mairaos ang taon.

May kumatok sa pinto ng classroom namin nung mga oras na iyun. Binuksan ng class president ang pinto at kinausap nya ang babaeng estudyante na sumilip sa dito.

Maya-maya pa ay pinapasok na nya ito at ang kanyang mga kasama.

Anim sila lahat. 4 na babae at 2 lalaki. "Irreg" students ang tawag sa kanila.

From the looks of it. Kasama lang namin sila sa subject na ito.

Inatupag ko nang tapusin ang business proposal na assignment namin kay Mr.Tinsero. Ayoko na kasing ibalik nanaman nya sakin to at iparevised. Hirap nya kaya i-please. Kaya kahit tapos ko na to, nirereview ko pa din ng paulit-ulit para makita ko kung ano pa ang mga pwedeng iimprove.

Maya-maya pa. Sinisiko nako ni Corlan. Ewan ko ba dito sa baliw na to. Di na lang tapusin report nya.

"Wag ka ngang magulo dyan."

"Brad, ang ganda nung isang irreg. Tignan mo!!!!"

"Wala ako sa mood, Corlan. "

"Biyaya to brad. Ganito mga tipuhan mo, alam ko. Tignan mo na kase. Titignan lang eh."

"Hoy, Michelle. Tigilan mo na ko."

"Anong michelle?!?!?!?, mitchell kaseeee."

"O tumahimik ka dyan, para di kita tawaging michelle." - abnormal din talaga to.

BASTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon