Nagsimula akong makarinig ng mga taong nag-uusap pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Unti-unti kong naigagalaw ang mga daliri ko pero sobrang maliliit na kilos lang ang aking nagagawa. Nararamdaman ko ring madaming aparato ang nakakabit sakin kaya nahihirapan akong kumilos. Pinakinggan ko ang aking paligid. May machine na animo'y nagpupump ng oxygen na inisip kong nakakabit sa bibig ko. May tumutunog ring aparato na tingin ko'y nagsasabi ng pagtibok ng aking puso. Bukod dito, pinipilit kong alalahanin bakit ako nasa ganitong sitwasyon at habang nangyayari ito, walang pumapasok sa utak ko. Blanko. Madilim. Parang basag basag na plato ang mga alalang alam ko lang. Buo pero hindi kumpleto. Alam ko ang pangalan ko. Alam ko kung sino ang mga magulang at kaibigan ko. San ako nag-aral at san ako nakatira ngunit iniisip ko anung nangyare sakin bakit ako andito. Doon na nagsimulang sumakit ang ulo ko. Sobrang sakit na gusto kong sumigaw pero pati yun ay nanghihina akong gawin. Naramdaman ko rin na may nakabalot na sa ulo ko. Narinig kong bumilis ang tunog ng aparatong katabi ko. Nalaman na siguro ng machine na kinakabahan ako. Narinig kong may sumigaw at nagsabing "tumawag ng doctor". Malamang si Nay yun.
Hindi ko alam kung binabangungot ba ako o totoo tong mga nangyayare kaya para malaman ang katotohanan. Ginawa ko ang lahat at binuhos ang natitira kong lakas para maibukas ko ang aking mga mata. Nakita ko si Nay at Tay sa kaliwa ko at ang lalaking doctor sa kanan. May mga chineck sya sakin at mga sinabi kay Nay na hindi ko na maintindihan pa. Pilit kong inikot ang aking paningin sa kwarto. Nasa ospital nga ako at andun rin sa kwarto sina Ray at Tantan. Gusto ko silang ngitian pero mas lumalakas ang kirot ng ulo ko. Nilapitan akong muli ng doctor.
"Sebastian? Nakikita mo ba ang mga kamay ko?" – tinanong nya ko habang nakatapat ang flashlight sa aking mga mata. Tumango ako para umoo.
"Are you in pain?" – umoo akong muli dahil nakakahilo na ang sakit ng ulo ko.
"We will inject something for the pain and run some test pa po Mrs.Tuazon but the important thing is, he is responsive. Milagro talaga ito misis."
"Salamat doc. Sige po gawin nyo lang po lahat doc mailigtas lang po ang anak ko. Salamat po talaga."
Habang naguusap sila, napansin kong may dalawa pang tao sa loob ng kwarto bukod sa mga nakita kong kilala ko na. Isang lalaking matangkad at nakapang business attire ang nakatayo malapit sa pinto habang nakayakap naman sa kanya ang isang babaing umiiyak. Magaganda ang suot nila at base sa nakikita ko, mukha silang mayayaman. Pero bakit sila andito sa kwarto. Inisip ko na lang na may iba akong kasama pero wala naman akong napansing ibang kama. Tinignan ko silang muli para alamin at isipin kung sino ba sila pero hindi ko talaga sila maalala. Hindi ko sila kilala. Nilapitan sila ng aking doctor. Nag-usap saglit at sabay-sabay silang lumabas ng kwarto. Si Nay, naririnig kong nagdadrama habang hawak ang kamay ko. Nilingon ko si Tay at nakita kong nakatingin lang sya sa pinto. Umiling sya at yumuko. Hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayare at sumusobra na ang sakit ng ulo ko. Panandalian akong nawalan ng pandinig. Pumikit ako at tuluyan nang nakatulog muli.
BINABASA MO ANG
BASTY
عشوائيHindi ito istorya ng pagmamahalan. Walang nakakakilig dito. Pero yung tipong Nasaktan? Naiwan? Pinaasa? Siguro, meron. Ako si Basty, at kung gusto mong ituloy ang pagbabasa tungkol sa pinagdaanan ko. Di kita pipigilan. Lahat naman tayo, may choi...