Naramdaman ko ang tila mainit na ilaw na tumama sa aking pisngi pagkabukas ko ng aking mga mata. Nalaman kong umaga na iyun dahil may kaunting sikat ng araw na pumasok mula sa mga kurtinang nakatakip sa bintana ng ospital. Napansin ko ring wala na ang aparatong nakakabit sa bibig ko at maayos na din akong nakakahinga. Medyo masakit na lang ang ulo ko pero ramdam kong hindi ko maigalaw ng maayos ang kanang balikat at bewang ko.
Nang tuluyan ko nang maidilat ang aking mga mata, inikot ko ang aking paningin sa kwarto. Tahimik dito at ako lang ang tao.
Nagsimula namang mabuo ang mga tanong sa utak ko sa gitna ng katahimikan.
Bakit ako andito? Gaano na kaya kahaba ang tulog ko? Gaano na kaya ako katagal na walang malay? Anung araw na kaya? Bakit wala akong kasama dito? Patay na ba ako? Panaginip ba ito?
Higit sa lahat, "Anung nangyare sakin?"
Yan ang unang mga katagang lumabas mula sa bibig ko. Nakaramdam ako ng kaba. Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Eto yung tipong bigla ka na lamang magpapanic dahil unti-unti nang nagsisink-in sayo ang sitwasyon mo.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Nay kasama ang kambal na sina Matty at Nick.
Agad naman akong nakita ni Nay at nilapitan. "Basty Nak, gising ka na?" – nakita kong tumakbo palabas si Matty.
"Nay, anung nangyare sakin? Bakit ako andito?" – hinawakan nya ang kamay ko habang nasa kabilang banda naman si Nick.
"Basty, relax ka lang, parating na ang doctor." – sambit ni Nick.
"Nak, anung nararamdaman mo? May masakit ba? Sumasakit ba ang ulo mo?"
Sinubukan kong habulin ang aking paghinga at nilabanan ang kaba ko. Agad namang pumasok sa kwarto si Matty kasama ang doctor.
"Yan tama yan Basty, hinga lang bro." – dagdag ni Nick.
Lumapit ang doctor at chineck ako.
"Basty? Masakit ba ang ulo mo?"
"Hindi naman po masyado." – pinilit kong ipokus ang atensyon ko sa mga sinasabi ng doctor.
"That's good. Nakakahing ka ba ng maayos?"
"Opo."
"Can you feel your legs?"
Hindi ko naintindihan ang tanong nya pero sinubukan kong ikilos ang mga daliri ko sa paa. Kahit mahina, ay naigalaw ko naman ang hinlalaki ko.
"Opo. Nararamdaman ko naman."
"Okay Basty, I am Doc Perez, pwede ba kitang tanungin kung kilala mo ang mga kasama mo dito sa kwartong ito?"
"Opo. Kilala ko naman po."
"Sino sila?"
"Si Nay, si Matty at si Nick. Mga kabanda ko po sila."
"Oh nice. That is good. One last question. Do you remember what happened to you? Anything that comes to mind na naaalala mo before the incident."
Tinignan ko lamang sya ng matagal. Para akong nautal o naputulan ng dila dahil wala akong maisip. Wala akong maalala.
Hinawakan nya ako sa balikat. "It's okay Basty, just get some rest and just recover. This can wait." Lumayo sya sakin at may sinulat sa kanyang board habang inakay nya palayo si Nay at kinausap.
Lumapit naman ang kambal sakin.
"Basty, Braderrr. Okay ka ba?" – tanung ni Matty.
"Oo nga, magsabi ka lang if may kailangan ka." – offer naman ni Nick.

BINABASA MO ANG
BASTY
De TodoHindi ito istorya ng pagmamahalan. Walang nakakakilig dito. Pero yung tipong Nasaktan? Naiwan? Pinaasa? Siguro, meron. Ako si Basty, at kung gusto mong ituloy ang pagbabasa tungkol sa pinagdaanan ko. Di kita pipigilan. Lahat naman tayo, may choi...