Present Day

26 0 0
                                        

"Vital signs are normal, pero weak po ang pasyente Doc." - sabi ng nurse.

"The good thing is, he's already out of danger."

Nagpunas ng pawis ang doctor.

Nag sign of the cross naman ang nurse.

Tinignan siya ng doctor.

"Milagro po talaga to Doc. No?"

"It is. Malaki ang bilib ko sa tatag ng batang to. Anyway, for the next 5 days, I want you to keep an eye on him. Observe everything that is going to happen and report back to me. Schedule him for CT Scan also to find out if there is damage on the brain."

"Yes, Doc."

"Okay, i'll go now and look for the parents or any relatives of the patient. Maiwan muna kita."

Lumabas na ang doctor.

Bago pa niya isigaw ang pangalan ni Mr Tuazon pagkalabas ng emergency room ay sinalubong na siya ng apat na kalalakihan. Isang may dalang skateboard. Isang mahaba ang buhok na hindi na makita ang mata. At dalawang matangkad na kambal.

"Doc. Kamusta po bestfriend ko?" - bulalas nung isang may bitbit na skateboard.

BASTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon