High School

118 0 0
                                    

"Mr. Tuazon!!!?"

"HUH!! yes Maam?" - peste ako nanaman.

"Daydreaming again?"

"Ah, eh. No Maam" – ngumiti na lang ako at nagbakasakaling makakalusot sa sermon.

"Well then, the questions are on the board. Copy it, then start the quiz."

"Yes maam, eto na po."

Hayy, buhay nga naman. Chemistry Class after recess. Seryoso ba? kakakain ko lang kaya.

Kainis.

Pesteng Atomic Symbols yan.

Tapos peyborit ka pa ni Ms. Natividad.

JACKPOT.

"Hoy!! Basty the basted, basted ka na nga kay Jean kanina, busted ka pa kay Ms. Natividad ngayon. Double Wham ka today. Hahahaha "

Si Ray yun.

Ang certified cuttingero/skater boy na naging kaclose ko na since lumipat ako sa bagong tayong school dito samin. Bully talaga tong kumag na'to. Eh kase naman, akala ko sasagutin na ako ni Jean. Hinahatid ko siya kapag uwian tapos lagi naman kame nagsusulatan. Nag ' I LOVE YOU ' pa nga siya sakin nung isang beses eh!

Tapos kaninang recess nilapitan niya ako at sinabing:

"Hi Basty, pwede ka ba makausap?"

"Uyy, oo naman bakit hindi." - sagot kong nakangiti pa dahil hindi ako sanay na nilalapitan nya kapag recess.

"Ah, ano kase. Basty, huwag mo na ako ihatid mamaya o kahit kelan pa." sambit nya habang nakayuko 't di makatingin man lang sakin.

"Ha, e bakit naman?"

"Pasensya na ha, pero kase hanggang pagkakaibigan lang talaga yung maibibigay ko sayo. Sana maintindihan mo. Sorry talaga."

Natahimik ako. Anong sinasabi nya? Akala ko ba okay kame. Di naman ako nagmamadali o anuman. Bakit nya to sinasabe? Nakatingin lang ako sa kanya. Nakaupo sya sa tabi ko habang hawak ko pa din yung hotdog sandwich.

Tinapik nya yung balikat ko. Tumayo at lumakad na paalis.

"O sige, ikaw ang bahala." - ito na lang ang nasabi ko at hindi ko rin alam kung narinig man lang nya.

Bakit ganun? Grabe naman. Ganun lang kadali yun. Paano yung dalawang buwan? Wala lang ba sakanya yun? Ano ba ito?

Hindi ko na siya hinabol at sinabi ang mga naiisip ko kasi baka makulitan naman siya sakin.

Pero teka.

Paano naman ako diba.

Hassle.

Babae nga naman!

FINISHED or NOT FINISHED, pass your papers.

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang sosyaling boses ni Ms.Natividad.

As usual, konti lang nasagot ko. Bukod kase sa mahina talaga ako sa subject na 'to, nasabayan pa ako nung mga nangyare kanina. Eto tuloy, bangag ako.

Nagsimula nang magsulat sa board si Ms.Natividad ng mga assignments para bukas.

"Hoy basted, wala kang kibo dyan ah. Di ka rin nangopya sakin kanina." - sabi ni Ray.

"Hoy. Kapal mo. Para namang may makokopya ako." - sagot ko.

Lumipat sya ng upuan at tinabihan ako, sabay akbay.

"Yaan mo na yun si Jean, sigurado naman ako may boyfriend na yun. oh dude. Walang iyakan." - tirada sakin ni mokong habang pinupunasan kunwari yung mata ko gamit yung polo nya.

BASTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon