Fifteen

59 16 0
                                    

Chapter Fifteen


"Ayie!"Tili ni Anica kaya napatakip ako ng dalawang tenga. Kanina pa siya kilig na kilig sa kwenento ko, syempre medyo hindi ko sinama yong kiss scene dahil nakakahiya lalo nung sinabi niyang lasang gulaman daw yung labi ko hindi niya matitikman uli to i swear

"Ang lakas ng boses mo!"Sigaw ko

"Pasensiya ka na ha! Kinikilig lang talaga ako!"Halakhak niya na may kasama pang pag hampas sa braso ko.

"Aray naman Anica Fraiser!"

"Ay! Sorry naman pano ba kasing hindi kiligin?"

Nag kibit balikat ako. Dahil kahit ako ay hindi mapigilang kiligin lalo na kapag naalala ko nung halikan niya ako. Shuta! First kiss ko yon pero hindi naman yon malalaman ng future husband ko maliban na lang kung si Seth yon. Haha!

"Hoy! Ano yang iniisip mo"

"Wala"nguso ko para pigilan ang pag ngiti

"Namumula ka, siguro iinisip m—"

"She's thinking about what?"Parehas kaming natigilan ni Anica ng biglang sumulpot si Seth kung saan. Ayan nanaman siya pinapatibok nanaman niya ang puso ko kahit wala siyang ginagawa!

"Wala, maiwan ko muna kayo."Sagot niya kay Seth. Pipigilan ko sana siya kaya lang ay nginisian niya lang ako at agad siyang tumakbo palabas. Tangina talaga! Gusto Kong ipalamon si Anica sa Lion

"Anong iniisip mo Marites?"

"Wala, Singkit"Sagot ko at sumubo ng Fries. Mag tampo kaya ako? Para bilan niyako ng burger at milktea ay shuta hindi ko nga pala siya jowa. Emz napanood ko lang yon sa Facebook

"Ayan ka nanaman, ano ba kasi talagang iniisip mo?"

"Wala ng— Ay! 'Di ba may Party tayo next month?"

"Oo?"

"Can you be my date?"Tanong ko at biglang tumayo mula sa upuan para lumabas ng Cafeteria. Lupa lamunin mo ako ngayon na. Bakit ko tinanong yon? Ang tanga mo naman Azumi, nahihibang kana talaga!

"Azumi Wait!"Sigaw niya. Hindi parin ako tumigil sa pag takbo at mas binilisan kopa dahil nararamdaman kong sumusunod siya. Gusto ko talaga mag palamon sa lupa!

"Ah!"Sigaw ko dahil nabangga ako Kung saan. Wa! Mas Lalo ko tuloy gustong mag palamon sa lupa

"Reagen?"

Inangat ko ang ulo ko para Makita Kung kanino ba ako nabangga. Napa atras ako ng makita siya

"T-terrence, Hi"

"Why are you running?"

"Wala"Sagot ko at tumingin sa likod at nakita ko si Seth na naka kuyom ang kamao. Nagalit ata sakin! Gusto niya ata si Terrence gosh

Nag tago ako sa likod ni Terrence pero kita padin ako dahil halos magkasing tangkad lang kami

"Bakit parang galit na galit ka Seth?"Tanong ni Terrence sakanya pero hindi iyon pinansin ni Seth at hinila niya lang ako mula sa likod ni Terrence

"Why did you run? Hindi ko pa nasasagot ang tanong mo,"

"Anong tanong Seth?"Tanong muli ni Terrence sakanya.

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon