Six

77 17 0
                                    

Chapter Six
______

"Di nga?"Di makapaniwalang tanong sa akin ni Ate Naliyah

"Oo nga lumabas talaga sa box yong lalaki"

"so ang hinala mo ex ni Tita yon- tapos may gagawin silang milagro?"tanong niya uli

"Oo nga paulit-ulit ka! pero hindi ko sure yong milagro, at pag nag kataon baka magkaroon pa ulit ako ng kapatid. Di ba kapag fourthy plus kana menopause na iyon?"

Kibit balikat lang ang isinagot ni ate Naliyah, sa tanong ko at ako naman ay bumuntong hininga. siguro kung siya rin ang nasa sitwasyon ko maguguluhan yan panigurado

"Excuse me tapos na ba kayo kumain?" Nilingon ko ang nag tatanong. Parang namumukhaan ko to. Siya ata yung lalaki sa tindihan nila Aling Nelya, Oo tama! siya yong lalaki sa tindahan yong gwapo.

"Hi?"

"Ay! Sorry yes tapos na kami"Sagot ko dahil kahit si Ate Naliyah, ay natulala din sakanya. gwapo kaso parang malamya parang si Kuya Rai. Bigla naman akong natawa sa naisip.

kinalabit ko si Ate Naliyah, para sabihing aalis na kami sakto kasing nasa 7/11 din siya. Wala naman akong ibang alam na pupuntahan kaya sa 7/11 na lang ako pumunta buti na lang at may dala akong pera.

"Nakita mo yon? Tangina! ang gwapo"Tili niya. Akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo

"Wag ka tumili masakit sa tenga" angal ko

"e, ang gwapo pero mas gwapo si Franz," Napa halakhak ako sa sagot niya. Oo nga't gwapo si Franz, pero ewan natatawa talaga ako kapag pinangangalandakan niya. Inlove na inlove talaga siya

"Bakit ka tumawa?" Umiling iling ako baka awayin ako mahirap na.

"San na punta mo?- baka hindi pa tapos gumawa ng kapatid mo yong dalawa." Dugtong niya habang tumatawa.

"Di ko pa alam baka sa tindahan na lang uli ako tumambay"

"Kila aling Nelya?" Ngumisi ako at itinaas ang dalawang kilay. Mang hahunting muna ako nang mga gwapo!

___

"Alam mo Azumi, maganda ka sana madaldal ka lang tsaka nanakit ka"Napa kunot ang noo ko sa sinabi ni Seu.

"Ano naman kung madaldal ako? Napaka daming madaldal diyan pero nagka jowa naman" Sagot ko habang sumusubo ng chichirya.

"Life is unfair alam mo yan."

"Oo nga, pero bakit ganon? gusto ko lang maka jowa. Tulad nga ng sabi mo maganda naman ako bakit kaya?"

"May kanya kanya kasing kwento ang buhay Azumi, tulad ko ayan nabuntis iniwan pero hindi nagalit si mader. Kaya swerte pa din ako, kaya ikaw mag inggat ka! Hindi yung hinalikan ka lang sungab na agad dahil pwedeng mabago ang kwento ng buhay mo pero, ako tanggap ko naman na tsaka wala na akong magagawa iintayin kona lang siguro yung sinasabe nilang nakatadhana talaga sakin siguro naman tanggap niya ako."Mahabang litanya niya.

Minsan may kwenta din pala ka chismisan si Seu, akala ko puro harot at kaartehan lang ang alam niyang sabihin.

"Syempre kasi nga 'di ba, kapag mahal ka ng tao tanggap ka niyan kahit ano ka pa pero yun nga kailangan mag intay." Sagot ko naman sakanya.

"Oh siya, babantayan kopa junakis ko baka umiyak na. Mag intay kana lang sa Mr. Right mo wag kang gagaya sa tulad namin."nginitian ko siya bago umalis.

Mabait naman si Aling Nelya, at Seu kaya nga lang masyado silang maharot lalo na twing may nakikitang gwapo.

___

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon