Two

138 23 2
                                    



Maaga akong nagising dahil sa sobrang excited na makita uli si kuya singkit na kahit napa imposibleng mangayari pero sana nga makita ko uli

Dahan dahan akong nag lakad pababa ng hagdan kung saan malapit ang pinto ni mama.

"Raiden!"Napa takbo ako mabilis pababa ng hagdan nang sumigaw bigla si mama. Mukhang nagising ko! Tangina akala ko ba bingi si mama?

"Raiden ang aga-aga pa matulog ka muna!"sigaw uli ni mama.

"Mag iinit ako ng tubig Ma, tapos ano kakain na din tsaka mag luluto ng kakainin niyo!"

Palusot ko. Bakit ba kasi napaka excited ko? hindi naman ako sigurado na makikita siya uli. Like duh? Ang laki kaya ng UOC mahirap makita ang isang taong gusto mong hanapin baka abutin ka ng ilang buwan sa pag hahanap.

"Raiden!"Sigaw uli nanaman ni Mama kaya agad akong napatakbo papunta sa kusina

"Sandali ma!"Sigaw ko pabalik habang nag sasalang ng mainit na tubig sa takure

"Bilan mo nga ako ng napkin diyan kay Nelya"Napa kamot ako sa ulo sa utos niya.

Kay aling Nelya na naman? Ang init pa naman lagi ng ulo non lalo kapag umaga

"Ilan ma?"Tanong ko at nag lakad papunta sakanya matapos masalang ang mainit na tubig.

"Alangan isa lang, sinabi ko bang napkins?" Pamimilosopo niya sakin.

Naiinis ako kung hindi ko lang nanay, 'to baka inaway kona siya napaka pilosopo

Ibinigay niya sa akin ng ang pang bili ng napkin na isang piraso. Hindi pa ginawang isang balot masyadong tipid ngayon si mader tsaka hindi pa ba siya menopause? Ilang taon na siya ah, nireregla pa din?

"Pabili nga po Aling Nelya!"sigaw ko habang kinakatok ng barya ang maliit na pinto ng tindahan niya

"Sandali nanonood pa ako. Istorbo" Sagot niya sakin.

may drama na ba ngayong umaga? Alasingko palang ng umaga mga gantong oras alam ko puro balita pa

"Pabiyee!"

Natawa ako sa batang dumating ang cute kaya lang mukhang uunahan pa ako bumili. ako ang nauna first come first serve

"Sandali nga e!"sigaw na naman ni Aling Nelya. Sabi ko na nga ba high blood siya e,

"Bilis Manang i have a class pa oh?"Maarte at bulol-bulol niyang sabi. Napatingin uli ako sakanya at pinaliitan ng mata,

"Aba maka arte 'to akala mo tuwid ng mag salita" bulong ko.

"Bhe sandali nga raw 'di ba" Sabi ko pa. ako na ang sumagot dahil ang tagal talaga ni Aling Nelya inuna pa yung drama kaysa sa customer niya.

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon