One

285 27 2
                                    

"Hala ka!" napasigaw ako sa gulat nang biglang tumaob ang payong na hawak-hawak ko.

Pauwi na lang ako at may kamalasan pa na nangyari! Inis na bulong ko

Nandito pa rin ako sa school dahil late na kami nakalabas at nasaktuhan pa nga na umuulan. Wala rin masyadong sasakyan o taong dumadaan ngayon dahil nga late na kami natapos sa lesson.

Tumingin naman ako sa kaliwang pulsuhan ko para makita kung anong oras na, pero napapikit na lang ako sa inis nang makitang wala pala akong suot na relo ngayon.

"Anak ng teteng naman! Hindi naman Friday the 13th ngayon pero ang malas-malas ko!" Inis at nag papadyak na sabi ko.

"Gusto ko na talaga umuwi.." halos maiyak na ako sa sobrang init at lungkot sa mga nangyayari sa'kin.

"Excuse me."

"Ay kaba-pogi!"

Mas mabilis pa sa alas kwarto ang bibig ko sa pag sabi ng pogi pagka lingon.

Parang akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ko na may isang matangkad na lalaking nakatayo sa harapan ko.

May tao pa pala dito maliban sa'kin? Nakakahiya yung pinag sasabi ko! Malas! Malas!

"Are you alright, Miss?"

"Y-yes," kinakabahang sagot ko habang nakatingin sa kanya.

Inobserbahan ko nang mabuti kung gaano ka-kinis ang mukha niya at kung gaano kaganda ang kayumanggi niyang mata at balat. May pagka singit ang mata niya, matangos na ilong parang may lahi.

So overall sobrang gwapo niya! Kaya binabawi ko na! Hindi ako minamalas. Sadyang nakatadhana lang talaga para makita ko ang lalaking ito ngayon.

"Is there something on my face?"

"Meron.." mahinang sabi ko pero sapat na 'yon para marinig niya dahil napaka lapit namin sa isa't isa

Kagwapuhan ang nasa mukha niya.

Kaagad namang siyang napapunas ng mukha dahil sa sinagot ko. Nagpintig ang mga tenga ko ng ma-realize ko kung ano ang dumulas mula sa bibig ko simula kaninang pag labas ng gate.

"Don't mind what I said, wala kang dumi sa mukha." mabilis kong bawi. Hindi ko pwedeng sabihin na sobrang gwapo niya kaya ako nakatitig. No.no.no! Basta hindi.

Ngumuti na lang siya at lumitaw ang lubog na dimples niya sa magka bilang pisnge.

Ngumiti na lang ako pabalik at baka kung ano pa ang masabi ko sakanya. Pag nag salita pa naman ako ay parang machine gun, iritang irita sa'kin ang nanay ko dahil sa kadaldalan ko.

Nanaig naman ang nakakabinging katahimikan pagkatapos nang 30 seconds naming pag-uusap. Humarap na lang ulit ako sa kalsada para libangin ang sarili ko habang nag papatila ng ulan.

Ilang minuto na rin ang lumipas pagkatapos ng nangyari at lalong lumakas ang ulan imbis na humina. Lord, gusto mo atang mag sama kami ni pogi nang mas matagal;sige lang po.

Palihim akong sumulyap para makita muli ang gwapo nilalang na kasama ko ngayon. Bihira lang naman ako makakita ng ganyang ka-gwapo sa campus kaya dapat ay sulitin na dahil malabo na uli kaming mag kita.

Narinig ko ang mahina niyang pag singhap habang naka pikit. Siguro ay pagod siya tulad ng marami, nakakapagod kasi talaga ang mga pinapagawa nila sa'min.

Humawak ako sa lace ng i.d ko at biglang hinanap nang mga ko ang i.d niya, kaya lang ay wala siyang suot. Baka hindi siya taga campus?

Paano kaya kung tanungin ko siya? Kaso baka lumayo na sa'kin dahil sa ka-weirodahan ko.

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon