Twenty One

48 9 0
                                    

Chapter Twenty One


____

"Ang sakit sa ulo ng midterm, "naka pikit na sabi ko kay Anica.                                                     
 Sakit talaga sa ulo, parang gusto ko na lang humilata buong araw. Ilang araw na kami nag dudusa mag sagot ng mga test.

 "Alam mo namang walang madali sa buhay, hirap na hirap din ako kanina nung nag test kami."Pumapalatak niyang sabi.

 Parang butiki dinilat ko ang mga mata ko at seryosong tumingin sakanya at nangalumbabaß

 "Puro pag luluto lang naman ang ginawa niy—"Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko agad siyang sumagot

 "Tanga, mahirap pa din yon."

 Inirapan ko siya "Alam ko, pero mas mahirap pa din yong sa amin, biruin mo yon, para talaga kaming gumagamot ng mga —"

 "Hi babe!"Muli akong natigilan sa pag bati ni Seth. Hilig na nilang hindi ako patapusin sa pag sasalita, mga bastos.

 "Kumain kana ba?" Tanong ko rito.

 "Pa fall," sagot ni Anica habang naka ngisi

 "Anong pa fall don? Boyfriend ko naman siya ah, tsaka concern ako sa health niya, duh!"

 "Pinanindigan niya talaga oh," sagot ni Anica at umirap. pinanlakihan ko siya ng mata. putangina, kailan pa to natuto mag taray?

 "Ako Fraiser, hindi mo man lang ba tatanungin kung kumain na ako?" Singit ni Timothy

 "Pake ko naman sayo?"Pag tataray uli ni Anica.

 Hindi ko napigilan at napahalakhak ako sa inasta niya. Kawawang Timothy

 "Ang sama ng ugali ni Anica, pero bagay lang sayo yang ungas ka." Tumatawa ding sabi ni Caspian

 "Kumain kana Terrence?"Tanong ko bigla. Hindi ako sanay na tahimik siya, simula nung nag sayaw kami sa ulan ni Seth naging ganyan na siya.

 "Yeah, thanks for the concern."Maikling sagot niya.

 Tumingin ako sakanila, natahimik pala silang lahat.

 "Bakit?" Tanong ko sakanila. Wala namang masama sa pag tatanong kung kumain naba siya, syempre kaibigan ko si Terrence, at concern ako don kahit loko loko siya.

"Manhid,"iiling iling na sabi ni Timothy.

 "Nasobrahan e,"Gatong pa ni Anica.

 Ano bang sinasabi ng mga 'to? Dumako ang tingin ko kay Seth na seryosong nakatingin pala sakin. Bigla nanaman akong nag taka, nag seselos ba siya? Imposible naman yon, tsaka anong nakaka selos sa tinanong ko kay Terrence?

 "Hayaan niyo na nga si Azumi, mukhang hindi niya na gets."Dismayadong sabi ni Keiro. Hindi ko naman talaga sila magets.

 "Kumain na lang tayo,"Sagot ko at sumangyon naman sila sakin.

*~

 "Hindi mo talaga na gets yong sinabi namin kanina?"Tanong ni Anica habang nag pupulbos sa salamin.

 Umiling ako, "ano ba yong mga pinag sasabi niyo?" Tanong ko pabalik.

 Bumuntong hininga siya at hinawakan ang balikat ko "Gaga ka, manhid ka ba talaga?"

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon