Eighteen

50 8 17
                                    

Chapter Eighteen

_________

"Ay juskong bata ka talaga!" Galit na sigaw ni mama sakin

"Reigne, 'wag mo nang pagalitan, syempre mauulanan talaga yan kita mong ang lakas ng ulan e,"Sagot sakanya ni Papa. Napangiti ako kakampi ko talaga siya

"Tama si Papa, Ma" sabat ko habang naka nguso

"Ay ewan ko sainyong dalawa, manang mana talaga kayo diyan! mag bihis kana don."Galit parin na sabi ni Mama. Tumingin ako kay papa at ngiti lang ang isinagot niya.

Pagka dating ko kanina, nagalit agad si mama, dahil bakit daw kami nag pa ulan e, naka kotse naman. Todo paliwanag kami ni Seth, pero galit pa din siya, sure naman akong mawawala din yan lalo pag nag chukchakan na sila. Eme

Habang paakyat ako sa kwarto, bigla ko nanamang naalala yong pag sayaw namin sa ulan. Hindi ko talaga akalain na ganon ang mangyayari. Pinaka the best na ligo sa ulan ever!

Habang nag sasayaw kami kanina sa prom ay sobrang saya ko na, pero mas masaya pala! Ang ganda din ng boses, muntik na akong makatulog. Tinalo sila Arthur Nery.

Full package masyado si Seth, napaka swerte ng mapapangasawa niya. In short ang swerte ko, eme!

"Raiden!"

"Ano po Ma?" Malakas na sigaw ko pabalik habang kumukuha ng pampalit.

"Nasan yong sapatos na pinahiram ko sayo?!"

Hindi ako nakasagot sa tinanong ni Mama. Nakalimutan ko kaninang pulutin sa daan, si Seth naman kasi bakit tinapon e! pwede naman niya akong isayaw habang naka sapatos, ano ba kasing pumasok sa isip niya at tinangal niya pa? Ako tuloy yari kay mama. Talaga naman, oo!

"Raiden Azumi Nasaan?!"

"Ah ano Ma! Naiwan ko sa kotse ni Seth!"Palusot ko. O to the m to the G talaga, I really need to find it tomorrow, bago pa mag transform si mader dear bilang dragon, ayokong mapagalitan at maka rinig nanaman ng wala sawang rap niya.

"Balikan mo bukas yon, napaka halaga sakin non." Sigaw niya muli

"Opo Ma!"sagot ko at pumasok na sa banyo.

*~

Habang naliligo ako ay pasayaw sayaw pa ako. Ramdam na ramdam ko padin yong kamay niyang nahawak kanina sa bewang ko.

"Isayaw mo ako
Sa gitna ng ulan, mahal ko

Kapalit man nito'y buhay ko

Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako"  Kanta ko habang nag kukuskos.

Kinikilig talaga ako!

Sana maulit uli, at sana totoong hindi na lang pag papangap ang nangyayari. Kasi sakin, nagiging totoo na. Akala ko dati hanggang isang simpleng pag hanga lang yung nararamdaman ko, pero ngayon ito na, hindi ko namalayang nahulog na pala ako at sana ganon din siya, kahit napaka impossible talaga non.

"Ah puta!"Sigaw ko dahil muntik na akong madulas. Bakit ba kasi ang lalim masyado ng iniisip ko? 'Di ko na din masisid

"Azumi ayos ka lang?" Katok ni papa mula sa labas ng pintuan ng kwarto.

"Opo Pa!"Sagot ko. Pero ang totoo hindi, sobra akong kinabahan sa nangyari, feeling ko kanina maaga na akong kukunin. Hindi naman ako mabait e, bakit naman ganon? Masyado pang maaga 12 am palang oh.

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon