Twenty three

54 7 8
                                    

Chapter Twenty Three
Something
___

"Ang lakas ng boses mo Azumi!"Sigaw ni Anica

"pinayagan ka gumala?" tanong ko dito. Napaka strict ng parents ni Anica, kaya gulat na gulat ako na sa baguio ang punta namin.

"Ahm..tinakas namin siya"Singit ni Timothy.

"Baliw ba kayo?" Gulat na tanong ko sakanila. Baka mamaya ipabaril pa kami ng magulang ni Anica dahil tinakas namin siya, i mean tinakas nila Suvillan si Anica, labas na ako kung ipabaril man sila.

"baliw kami matagal na"Si Caspian ang sumagot.

Inirapan ko ito, at lumakad papunta sa stove kung saan ko iniwan yong kaninang niluto ko.

"Amoy palang masarap na"komento ni Caspian habang naka titig sa niluto ko.

"Sa true lang,"komento din ni Anica. Nginitian ko lang sila at sinimulan ng kainin ito.

"Hindi mo kami aalukin?" Tanong sakin ni Keiro. Umiling ako habang ngumunguya.

"Nag pagod akong lutuin 'to, tapos bibigay ko lang sainyo? hindi ano! tsaka yang si Fuentes, pinatakbo ako ng walang hinto, wala tuloy akong lakas gutom na gutom ako!"Dirediretsong sabi ko sabay irap sakanya.

"Ginagalit mo si Mrs. Raiden Azumi Garcia, Keiro e"Asar ni Caspian dito habang tumatawa.

Bigla naman akong napa tingin kay Terrence na tahimik lang sa gilid, naka titig ito sakin. Bigla akong nanigas sa kinakatayuan ko, para mas lalo akong nawalan ng lakas dahil sa pag titig niya. tangina anong nangyayari sakin?

"Babe, are you okay?" Tanong ni Seth na nagpabalik sakin sa wisyo.

"y-yes," agap na sagot ko. Muli akong tumingin kay Terrence na hanggang ngayon ay nakatitig pa din sakin.

"Siya nga pala guys, mamayang 8pm na tayo aalis." Masayang sabi ni Caspian.

"Excited na ako! First time kong maka punta sa baguio"Masaya ding sabi ni Anica habang pumapalakpak. Napa ngiti ako sa reaction niya, para siyang bata ang cute.

"First time mo talaga?"Tanong ni Timothy sakanya. Agad naman itong tumango

"Totoo? Hindi ka sinasama ng magulang mo sa gala?"Di maka paniwalang tanong ni Caspian.

Umiling si Anica, "over protective sila Mommy, at ayoko na non nakakasakal sobra" Malungkot na sabi niya.

Nalulungkot din ako para sakanya, kasi kahit lumabas sa mall ay hindi pwede, sa school may bantay din siya. Kaya nag taka ako, kung pano nila natakas si Anica, e samantalang laging nasa paligid lang yong guards niya.

"Buti na lang tanga yong mga nag babantay sayo, at natakasan natin."Tumatawang sabi ni Keiro.

"Oo nga, tsaka di naman nila tayo mahuhuli dahil yung dinaanan natin, tayo lang ang nakakalam."Sabat ni Caspian. Tumingin ako kay Seth na seryosong nakatitig din sakin

"May mali ba sa mukha ko?" mahinang tanong ko sakanya. Umiling ito at ngumiti

"I'm just admiring your beauty, Azumi"Sagot nito. Bigla na lang rin akong napa ngiti sa narinig

Pwede na ata ako humimlay!

"Mamaya na yang labing labing niyong dalawa, okay? Mag ayos na kayo 7:23 na oh"

City Series 1: Listen To The Rhythm Of The Falling RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon